Chapter 21

184 4 0
                                    

CHAPTER 21 ❤

Bumalik na rin kami sa gym kaagad,baka sakaling makaabot pa.Ang kaso,tapos na.Naglalabasan na yung mga tao.

"So kaya pala hindi ka nakapanood?"

Lumingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran namin ni Chandler.

"Buset...",panimula ko.

Nakatitig lang sya nang walang anumang ekspresyon sa muka.

Ano na naman kayang problema?

"Tara na.",malamig nyang sabi at nauna nang maglakad.

"Bye princess.",sabi ni Chandler.

"Bye.",sagot ko naman at umalis na para sundan si Buset.
"Buset!",tawag ko pero patuloy lang sya sa mabilis na paglalakad."Buset sandali!"

Nakakaasar na ah.Tumatakbo na talaga ko ngayon.

"Buset naman,sandali la---aaahhh!!"

Aray ko po!Ang sakit.Bwisit.Nakarubber shoes na ko,natatapilok pa ko.

"Urrgghh..",mahina kong ungol.Eh ang sakit eh!

"Manang!",sigaw ni Buset sabay lapit sakin."Aish.Ang lampa mo talaga."

"Wow!Ang lampa ko.Salamat naman kasi sa pagpapahabol mo.",sabi ko.

"Hai!Tayo na.",sabi nya at inakay akong makatayo.

Mabuti naman at nakakatayo at lakad pa pala ko.

"'San na naman ba kasi ang lakad mo at madaling-madali ka ha?",tanong ko sa kanya.

"Wala ka na dun.",sabi nya.
Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Tara na.Nauna na daw sina Aleeyah.Ang tagal mk dumating eh.",sabi nya at sumakay na ng sasakyan.Sumunod na rin ako.

Dinrive na nya agad yung sasakyan.Tahimik lang sya.Alam ko may problema.

Hindi kaya,dahil hindi ako nakapanood?Di ako nakapanood kaya wala syang tagapunas ng pawis.Tama.Baka ganun nga.

"Ah..Buset,sorry kung hindi ako.nakaattend nung game nyo ah.May kinailangan lang kasi akong gawin.",sabi ko.

"Psh.Tulad ng pakikipagdate kay Chandler?",sabi nya nang hindi tumitingin sakin.

"Buset,hindi naman kami nagdate eh.Nagkasalubong lang kami nung lumabas ako ng gym para pumuntang C.R.Tapos sumama sya pabalik.Papasok na sana kami ng gym,may nadapang bata sa harapan namin.Dinala namin sya sa clinic.Nawawala daw sya kaya tinawagan namin yung mama nya para sunduin sya dun.Inintay pa namin yung mama nya kaya ayun.Natagalan kami.",mahaba kong paliwanag."Kaya ka ba nagkakaganyan nang dahil dun?",mahinahon kong tanong.

Narinig ko syang bumuntong hininga.
"What do you think?"

Tumango naman ako bilang sagot.

"Manang,I don't like seeing you with that Chandler.",sabi nya.

"Bakit?Mabait si Chandler.Kaibigan ko sya.Kaya imposible naman yung hindi ko sya makakasama.",sagot ko.

"It's just that,naiinis ako.Ayokong naiisip at lalong-lalo nang nakikita na kasama mo sya.That's it.",parang inis nyang sabi.

Ayaw nya nang kasama ko si Chandler?Naiinis sya?Tulad nang nararamdaman ko sa paghahalikan nila ni Karina.

Selos.

Tama.Yun yung tawag dun eh.

Nagseselos sya?Pero bakit?Ano ba ang dahilan kung bakit nakakaramdam ng selos ang isang tao?

"Selos.",sabi ko sabay lingon sa kanya."Nagseselos ka."

Bigla naman nyang inihinto ang sasakyan.

Mischievously in Love with a Gangster(PART 1:Lovewar)Where stories live. Discover now