Chapter 57

188 2 0
                                    

CHAPTER 57 💞

Nakatingala akong tumingin sa bahay nila.Parang first time ko ulit pumunta dito.

"We're here Wifey.",nakangiti nyang sabi at bumaba na para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

Bumaba na ako at lumingon ako sa may gate.

"Tatay Juan!",sigaw ko at agad na tumakbo palapit sa kanya at dumamba ng yakap.

"Lena,anak.",sabi nya habang yakap ako.

Kumalas ako sa kanya na naluluha na.

"Namiss ko po kayo.",sabi ko.

"Namiss na din kita anak.Wala na akong tagatimpla ng kape sa hatinggabi.",nakangiti nyang sabi.

"Lena!"

Napalingon ako sa tumawag sakin sa likod.

"Nanay Celia!",sigaw ko na naman at tumakbo sa kanya para yumakap.Wala na.Umiyak na talaga ako.

Namiss ko talaga sila.

"Nay,namiss ko po kayo.",sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.

Kumalas sya at tinignan ako habang hawak ako sa magkabilang pisngi.

"Namiss din kita.Lalo kang gumanda ah.",sabi ni Nay Celia.

Ngumiti lang ako at muli syang niyakap.

"Ui Pards!",sigaw ng lalaki sa likod.

Kumalas ako kay Nanay Celia at nilingon sya.

"RJay!Pards!Namiss kita!",sabi ko at yumakap rin sa kanya.

Natatawa syang gumanti ng yakap sakin.Kumalas na rin ako.

"Magtatrabaho ka na ba ulit dito?",tanong nya.

"Ano ka ba Mahal.Hindi na kailangang magtrabaho ni Lena.Mayaman na sya noh!Tsaka,girlfriend na sya ni Sir Bry.",sabi ni Ara.

Nanlaki naman ang mga mata nilang lahat.

"T-Totoo ba yun Bry?",tanong ni Nanay Celia.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Bry mula sa likod.

"Totoo po Nay Celia.",nakangiti nyang sabi habang nakaakbay sakin.

Nakangiti naman akong tumango kay Nay Celia.

"Wow!Binabati ko kayo!",sabi ni Chef Monchie sa likod.

"Chef Monchie!",sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya.

"Sir Bry,girlfriend mo na pala 'tong asst.chef ko.",nakangiting sabi ni Chef Monchie kay.Bry nang makakalas na sakin.

Ngumiti lang si Bry.

"Sa wakas.Ngumingiti na sya ulit.",sabi ni Nay Celia habang hawak si Bry sa magkabilang pisngi.

"Bakit po ba Nay Celia?",tanong ko.

"Naku Lena.Simula kasi nung umalis ka,hindi na namin nakitang ngumiti yan si Sir Bry." -Ara

Tinignan ko si Bry.Nakatungo lang sya.Hinawakan ko sya sa kamay.

"Talaga ba?",tanong ko kay Bry.

"Iniwanan mo 'ko eh.",sabi nya.

Napatawa naman ako.Ayos din 'to ah.

"But don't leave me again,okay?",sabi nya.

"Okay.",nakangiti kong sagot.

Hinawakan nya ako sa braso at hinila palapit sa kanya.

Mischievously in Love with a Gangster(PART 1:Lovewar)Where stories live. Discover now