Tha guy from my Past(one shot)

24 1 2
                                    

Dear Diary,

Pasukan na naman parang nabitin ako sa bakasyon. Pero ayos lang makakasama ko na naman yung kalog na kaibigan ko. At makikita ko na naman si Mr. P.

"Uy bes! Diary na naman inaatupag mo. Alam mo sabi ng mama ko madali ka daw mamamatay pag nagda-diary ka." Maangas na sabi ng kaibigan kong si Aiz.

"Wow!bes talaga ah. Gusto mo gillete bes?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya.

"Ay wag na bes. Madaming stock si mama sa bahay." Inosenteng sagot niya. Sinapok ko nga. "Aray naman bes eh!"

"Tigil tigilan mo ng ako sa kaka-bes mo na yan Aiz. At tsaka pwede namang 'Magandang umaga Xyz! O 'Good morning Xyz' ang ibungad mo sakin di ang sabihan ako na mamatay ako sa kaka-diary ko. Alam mo namang bukod sayo diary ko lang nakaka-alam lahat ng sikreto ko." Dire-diretso kong sabi kay Aiz.

"Ang dami mo namang sinabi Xy." Isang letter na nga lang tinamad pa siyang bigkasin Xyz kasi ang pangalan ko pronounced as /saizi/.

"Pumasok na nga lang tayo. Ang aga ko pa naman gumising eh tapos male-late lang tayo dahil sa p*st*ng gillete at my precios one na diary." Tumakbo na ako kaagad at tsaka sumigaw "Mahuli! Tatandang dalaga!"

"Uy sandali Xy! Ayokong tumandang dalaga noh. Single pa naman yung crush ko." Sigaw ni Aiz sakin habang tumatakbo.

Huminto na ako sa pagtakbo at hinintay si Aiz. Naglakad nalang kami para di kami maging amoy pawis. Ang aga aga. Pagpasok sa gate bigla akong natense. Paano ba naman di pa ako ready sa school. Nahanap na namin ni Aiz ang room namin at good news di kami magkaklase.

*~^*^~*

Lunch break na ngayon at nandito ako sa canteen kasama ko tong baliw na kaibigan ko. Payapa kaming kumakain ni Aiz nang biglang may umupo sa harapan namin."Pwedeng maki-table?" Tanong niya. Literally napahinto ako nang marinig ko ang boses na yun. Ang boses na matagal ko ng hindi naririnig. Ang bose ni Mr.P

*start of flashback*
3 years ago

End of school year na at nakapagdecide na ako na makikipag-break na ako sa boyfriend ko. At andito ako ngayon sa labas ng bahay kasama si Paul. I can't say na mahal ko siya basta nung niligawan niya ako naconvince ako ni Aiz na sagutin na siya. Wala ka naman na kasing mahihiling pa sa kanya. Gwapo siya, matalino, mayaman pero di naman ako gold digger ha, sweet siya, punung-puno ng effort at mabait. Pero it's just that, di pa ako marunong mag-handle ng mga relationships. Ayaw kong sayangin lahat ng efforts niya. At ayoko na siyang pahirapan pa.

"Uhm! Paul I just wanna tell you something." I said in a serious tone.

"Ano yun babe?" See. Siya lang ang tumatawag sakin ng corny endearment na yan. I tried naman pero it turns out to be corny talaga.

"Please stop calling me that way!" Sinabi ko ulit pero medyo pasigaw na yung tono ko.

"What do you mean babe?" Tanong niya na parang naguguluhan siya

"I said stop!.....cause I'm breaking up with you." Sinabi ko na wala man lang kahit na anong emosyon sa mukha ko.

"What? babe no I can't..mahal na mahal kita." Pagmamaka-awa niya at may tumutulo nang luha sa mga mata niya.

"Diba sinabi ko nang tigilan mo na yang pagtawag mo sakin ng babe. And are you even insane!? Our relationship is just 3 weeks long and now you can say that you love me. Oh!" Napa suklay nalang ako sa buhok ko gamit ang kamay ko.

"No! Hindi ako papayag! Kung gusto mo hindi na kita tatawaging babe. Basta Xy please!" Pagmamaka-awa niya at talagang lumuhod pa siya sa harap ko at kinuha yung kamay ko pero agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

THE GUY FROM MY PAST (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon