Loving you was not easy. Talo mo pa ang PMS ko. Lagi din tayong nag aaway but, I have to lower down my pride just to make things work. Mahal kasi kita. Pero never ata magiging sapat ung salitang "mahal" dahil sa loob ng dalawang taon, nakuha mong lokohin ako. Nakuha mong magsinungaling saakin. Ganun ba ung alam mong pag mamahal? Sorry ah. Hindi kasi ganung pagmamahal ung alam ko. Ang alam ko kasi pag mahal mo, yun yung tipong honest kayo sa isa't isa. Yun naman ung bumobou ng tiwala hindi ba? Sa loob ng dalawang taon, nag pakatanga ako. Alam mo ba ung feeling na, alam mo na ung totoo pero pinili mong manahimik kasi mas masakit pag galing mismo sayo. Alam mo ba kung bakit ako nanahimik? Pwede naman kasi kitang awayin at iwan hindi ba? Dun kana man magaling e. Mang iwan.

Nakuha ko paring manahimik. Dahil umaasa akong ikaw na mismo ang magsasabi ng totoo. Pero, narinig ko pa sa iba ung katotohanan. At dun ko na nakuhang sumuko. Tao din ako. Napapagod. Nasasaktan. Bago ko man taposin ung salitang "tayo", sinabi ko sayo ung problema. Pinili mong iwasan diba? Pinili mong ako ang mag ayos dahil feeling mo, kulang ako sa pansin. Pinili mong wag intindihin ung problema. At hight sa lahat, pinili mong saktan ako. It's a matter of decisions and choices. Choice mong lokohin at sirain ang tiwala ko. At decision mong pag laruan ako. Kahit ata murahin kita nang paulit ulit. Wala nang silbi yun Dahil, tapos na. Pinapatawad na kita.

Inabot ng ilang buwan bago ko nasabing pinatawad na kita. Siguro dahil masaya ako at kontento ako ngayon sa buhay ko? Pinatawad kita kasi bakit nga ba ako magagalit sayo if in the first place, ako din mismo ang nag pa loko diba? Ako din mismo ang sumakay sa palabas mo. Minahal mo ako ng higit sa lahat ng bagay. At nag papasalamat ako dun. Ilang beses ko bang nasabi sayong, hindi ako handa sa salitang "tayo"? Siguro dahil ramdam kong may mali. Minahal mo ako without any hesitation. Ako ata ang isa sa pinaka complikadong babaeng nakilala mo. Pinilit mong intindihin ang kababawan ko at kung sino ako.

Salamat sa lahat lahat. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako takot sumobok ulet. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. At ikaw ang dahilan kung bakit mas natutu akong mag mahal ng sobra kesa sa sarili ko. Kung na babasa mo man toh. I wish you all the best. Hindi ako ung tipo ng tao na sasakay ulet sa laro mo. At kung mahanap mo man sya, wag mo nang lokohin pa. Masaya ako ngayon. May taong nagmahal ulet saakin sa kabila ng kakulangan ko. Bye.

To the man I loved before,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon