MCDO

31 0 0
                                    

"Kabahan ka na talaga kapag niyaya ka ng boyfriend mo na magMCDO" nagbibirong wika ni Steph

"Para lang pala iyon sa mga magbi-break at brokenhearted, ganun?" Tanong ko

Nandito kami ngayon sa kanilang apartment. Pampalipas oras dahil tatlong oras pa ang break time namin.

Pinakita niya sa akin ang viral commercial ng MCDO na halos kinatatangkilikan ng mga kabataan. Nakakarelate e. Lakas talaga makapanghatak ang commercial na ito.

Isang napakandang ideya para tangkilikin ang produkto.

"Para din sa mga hirap maka-move on. Aba'y magMCDO na tayo" natatawang yaya niya

"Wala akong boyfriend. Mag-isa ka" sabi ko at patuloy sa pagscroll ng newsfeed. Hanggang sa—

"Waaaaah! Nanalo ang school natin sa chess!" Kinikilig na sambit ni Steph

Hindi ako umimik bagkus ay patuloy lamang sa pagscroll ng newsfeed.

"Oy! Ba't di ka naimik dyan? Ah alam ko na! Di mo pa rin ba nakakalimutan yung ginawa niya sa'yo no?" Asar na wika niya

"Tumigil ka nga" sita ko dahil hanggang ngayon ay naalala ko pa rin.

"May pagtingin ka sa kanya diba?" Dagdag pa niya

"Dati" pag-amin ko

"Grabe siya. Kung hindi siguro niya iyon ginawa ay crush mo pa rin siya hanggang ngayon no?" Tanong pa niya

"Siguro. Pero nangyari na ang nangyari. Ano pa ba Steph hindi uso ang throwback sa akin" sabi ko na ikinangisi naman niya

"Kailangan mo na talagang pumunta sa MCDO para maka move on. See? May dahilan ka na para makaMCDO!" Tumawa pa ito ng pagkalakas-lakas. Binato ko nalang ng unan.

"Duh. Naka move on na nga ako. May iba na nga akong gusto e." Sabi ko.

"Sino? Iyong sabi mong si Denis? Kapatid niya yun a!"

"Mabait yung Denis na yun kumpara dun sa kanya" ingos ko

"Pero gwapo naman si Patrick e." Ani nito.

"Aanhin mo ang gwapo kung ang dilim ng ugali." Inirapan ko siya

"Weh? Hindi naman masama ugali niya a? Kaya nga naging crush mo diba?"

Oo tama siya. Pero bakit ba, kapag galit ka sa isang tao, kahit anong bait niya masama pa rin sa paningin mo, diba?

"Tara na nga. Baka mahuli tayo sa Philo class. Mawawalan ako ng scholarship" iwas ko sa kanya

"Ayiiee excited siyang makita si Patrick!"
Natigilan ako. Shet. Nakalimutan kong magka-klase pala kami sa subject na iyon!

"Ah— absent nalang tayo? Bahala na yung—"

Agad akong hinila ni Steph

"Kunwari ka pa. Pero wala naman siya. Kakapanalo niya lang diba? Tara." At tumungo na kami sa school.




Dumaan yung crush ko kanina. Si Denis. Ang cute talaga ng ngiti niya. Pero agad namang napawi ang kilig ko dahil kasabay niya ang insektong Patrick. Hindi pa naman ako nakadala ng Baygon. Kainis talaga.

"Athena! May topic ka na ba para sa English 2?" Tanong sa akin ni Cleo

"Wala pa e. Ikaw ba?"

"Meron naman kaso hindi ako sigurado e. Sino partner mo?"

Nagtaka ako. Napansin niya ata ang pagkakunot-noo ko.

"Hala! Hindi mo alam?! Partner ko si Steph e!" Namumulang pahayag niya. Crush kaya nito si Steph.

At saka teka?! Ang daya naman! Hindi ako sinabihan ni Steph!

"Pero wala naman akong narinig na ganun e" reklamo ko

"Medyo konti na rin kasi sa classroom nun. Pero ngayon pa naman maghahanap ng partner." Saad niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Ang pagkakaalam ko, hindi ko kaklase si Patrick sa English 2. Tanging si—

Kyaaaaaaahhhh! Denis!

Gaya nga ng sinabi ni Cleo, by partner ang topic na aming pipiliin. And guess what? Partner ko si Denis!

Hindi ako ang nag aya. :">

"Asus! Ikaw na ang kinilig!" Dabog na pahayag ni Steph. Tinawan ko nalang. Ayaw niya kasi kay Cleo. Perv daw. Lol

Magsasalita sana ako kaya lang nakita kong papalapit samin si Denis.

Sheeeeeemmmmsss!

"Pwede bang kausapin ko muna si Athena, Steph?" Tango lang ang binigay niya. Nginitian ko naman siya at sumunod sa kanya.

"Saan ba natin gagawin tong topic natin?" Tanong niya.

"Ahm dito?" Alinlangan ko

"Hindi pwede. Pangit dito" nguso niya. Peste ang cute!

"Bakit saan ba?" Tanong ulit niya

Nag isip-isip muna ako. Sa kanila nalang kaya? Pero nakakawalang dignidad naman kung ako pa magsabi. Mahahalata yata ako.

"How about sa inyo nalang?"

"Okay—wait, NO!" Agad kong bawi. Shucks, akala ko pa naman sa kanila!

"Fine. I'll text you nalang. Hindi pwede samin. Cause I know you hate my brother's presence"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Uminit ata ang pisngi ko. Shemay, thumbs down na ba yun sa kanya?

"Sorry" sambit ko

"Oh it's okay. Alam ko namang mali ang ginawa niya. Bully talaga yun e."

"Sorry talaga pero galit pa rin ako sa kanya"

"I know how it feels. But that was year ago. He changed" paliwanag niya

"Sus. Kapatid mo siya kaya mo pinagtatabunan. Ganyan ka na ba talaga kabait?"

"Siguro. Pero di naman niya sinadya e."

"Di pala sinadya yung kusang pagtapon ng paint sa katawan ko at sabihing biro lang" inirapan ko siya.

"Prank daw kasi yun"

"Edi okay" sarkastiko kong sabi. Umiinit pa rin kasi ang dugo ko sa nangyari

"Ako na magso-sorry" tiningnan ko siya mata sa mata.

He's sincere.

"Bakit mo ba inaako ang kasalanang di mo naman ginawa?" Tanong ko

"Ayoko kasing may magtanim ng galit sa kapatid ko o mas lalo na sa akin. I just feel it" sabi niya

Ngumiti ako. Ang gaan talaga ng loob ko sa mga mabubuti ang puso. Di tulad sa mga walang puso dyan.

"Ang bait mo talaga no? Kaya gustong gusto kita e." Wala sa sarili kong sabi

Bigla naman kumunot ang noo niya.

"May gusto ka sa akin?"

Huh? Ako naman ang napakunot noo at inisip ang mga nasabi ko kanina.

Ang nasabi ko kanina.

Shit!

Did I just confessed?!

"HUH? W-wala yun! Sabi ko gusto ko nung buhok mo papagupit din ako bye!" Bilis na sabi ko sabay takbo. SHET!

-------
A/N: shet! Sinaing ko sunog na! TT^TT
De joke lang. Salamat sa tumangkilik nitong storya na'to.

Hintayin niyo lang ang next :>

Mcdo CommercialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon