Commercial

29 0 0
                                    

Tsk. Nasiraan ako ng printer kaya no choice ako kundi pumunta ng internet café. Medyo malayo pa naman iyon sa amin.

Ala sais na nang naisipan kong lumabas. Sanay na ako na ganito lumalabas e. Sumakay ako ng tricyle kahit kaya ko namang lakarin. Tinatamad lang talaga ako.

Pagpasok ko, daming tao. May nagdo-dota, may harutan—wala talagang pinipiling lugar sa harutan. Tsk.

"Ate pa print" sabi ko sabay bigay ng USB.

Medyo natagalan pa kasi may nauna pa sa akin kaya hinintay ko nalang. Nakakapanindig balahibo yung lalaking nakatingin sa akin. Dalawa sila. Ang manyak naman.

Tiningnan ko ang suot ko. Nakajogging pants ako with matching extra large shirt. Kay papa ko to. Pero bakit ganyan sila makatingin?

"Miss ito na yung pinapa print mo" saad ni ate

"Salamat po" agad kong inabot at nagbayad sa kanya. Masama talaga pakiramdam ko.

Dali dali akong lumabas. Shit. 7 pm na. Ganun ba talaga ako katagal sa loob?

Napansin kong walang dumadaang tricycle. Naman oh! Bakit ngayon pa na kailangang kailangan ko?!

Nagsimula na akong maglakad. Paliko na ako sa daanan ng lumingon ako sa likod dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang pangyayari.

Shit. Tama nga ang hinala ko dahil kalalabas palang ng dalawang lalaki at mukhang hinahanap ako.

At dahil lumingon ako, NAKITA AKO NILA. Shetttt!

Sa sobrang kaba ko, tumakbo ako hanggang sa naka abot ako ng kabilang kanto. Alam kong hindi ito ang daan pero—

Impit na napatili ako nang may humila sa akin at nagtakip ng bibig. Pumigilas ako pero ang lakas lakas niya. Di ko man din makita dahil nasa madilim kami.

"Shit. Huwag kang maingay!" Sita sa likod ko.

Nanlamig ako sa narinig.

Kinalas ko ang pagkahawak niya na agad naman niyang binitawan. Ibabalik sana niya ang pagkakatakip ng bibig ko nang humarap ako sa kanya.

"P-patrick?" Gulat kong sabi. Tama nga ang hinala ko kanina. Boses pa lang niya.

"Huwag kang—"

"Pare san na ba yun?!" Tanong ng isang lalaking nakasunod sa akin

"Sayang di natin naabutan! Ulam pa naman yun!"

"Mukha pa lang e. Tara hanapin natin baka hindi pa yun nakakalayo"

Pero tumigil sila sa medyo tapat sa amin.
Nanginginig akong yumakap sa kanya. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Ayokong marinig nila kami.

"Alam kong malapit lang siya e"

"Di kaya yun nagtago?"

"Ulol. Kita ko talaga siyang tumakbo—ayun!" Biglang sigaw ng isa kaya agad silang tumakbo

Di ko na napigilan ang iyak ko.

"Hey baka marinig ka nila." Idiniin niya lang ang yakap niya sa akin.

Shit talaga. Kung hindi niya ako nahigit, saan kaya ako mapupunta ngayon?

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko pero nanginginig pa rin.

"T-thank you" mahinang usal ko.

"I was about to scare you kaya lang nakita kitang namutla and I saw the guys." Paliwanag niya. Gusto ko sana siyang hampasin. Insekto talaga ito! Aba't may gana pang mang-asar sa akin?!

Mcdo CommercialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon