Elementum

112 2 0
                                    

Prologue

            Nagsimulang magsulat ang lalake. Gamit ang plumang binasbasan ng mga anito, dali-dali niyang inilipat mula sa kanyang mga alaala ang lahat ng kanyang kaalaman sa maliit na librong iyon. Paspas ang pagsusulat niya dahilan sa unti-unting nauubos ang oras. Kailangan niyang masigurong bago siya mamatay ay may makakapagmana ng mga kaalamang iyon.

            Naguguho na ang toreng nagsilbing tahanan nilang mag-asawa. Nalaglaga siya ng malaking tipak ng bato ngunit hindi siya natinag nito. Patuloy pa rin siya sa pagsusulat. Dinig na dinig mula sa bintana ang napakalakas na hiyawan ng mga taong minsan niya ring tinuring na pamilya.

            Patapos na siyang magsulat nang pumasok sa maliit na kwarto ang babaeng itinuring niyang asawa sa mahigit na sampung dekada.

            “Abraham,” sabi ng babae.

            “Elizabeth,” sagot ng lalake at isinara niya ang libro. Hinawakan niya ang kamay nito at ibinigay sa babae ang maliit na libro. “Kunin mo ito, pagtutuloy ni Abraham, “protektahan mo ito na para bang mas importante ito sa buhay ko o sa buhay mo man. Nakasalalay dito ang kapakanan ng daigidig.” Tumigil siya panandalian at hinaplos ang makinis na mukha ng babae, hindi halatang halos maglilimang daang taon na itong namumuhay sa mundong iyon.

            “Alam kong napakabigat nito para sa iyo, pero sana maintindihan mo. Mahal kita at ayoko sanang gawin ito ngunit-“

            “Naiintindihan kita Abraham,” putol ng babae.

            “Elizabeth.” Yinakap niya ng mahigpit ang babae. Tumagal ang yakap nila ng halos isang minuto ngunit sapat na ito para maipadama nila sa isa’t-isa na kung sakalaing pareho silang makaligtas ay hahanaping muli nila ang bawat isa. Naunang bumitaw ang lalake sa mahigpit na yakap at inutusan ang babae.

            “Umalis ka na. Ako na ang bahala dito.”

            Tumingin sa mga mata ng lalake ang babae at sinabi nito ang bagay na gusto niyang sabihin simula pa lamang nang makaakyat siya sa toreng ito, kahit na alam niyang hindi ito maaari. “Sumama ka sa akin.”

            Sinagot ng isang ngiti ang kanyang pakiusap at hindi niya namalayang naglaho na siya, napunta sa ibang lugar, malayo sa dati nilang tirahan, malayo sa kanyang mahal.

Part 1

Chapter 1 – Metallum

            “Mario!”

            Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Nagsasanay ako para sa susunod na laban na aming haharapin. Kailangan kong maging matatag at maging handa sa susunod na digmaang magaganap sa oras na takpan ng buwan ang araw. At malapit-lapit na rin ang panahong iyon. Mga pito o kaya’y walong araw ang layo mula ngayon.

            Kaya naman nagtataka ako kung sino ang maaaring mang-istorbo sa akin sa napaka okupadong araw na ito.

            Isinaayos kong maigi ang aking paningin. Sa malayuan ay inakala kong isang magiting na mandirigma ang papalapit sa akin. Malaki ang pangangatawan, matatag sa unang tingin at ibang aura na pumapalibot dito. Ngunit habang papalapit nang papalapit ang taong iyon na kanina’y inakala kong magdadala ng magandang balita ay isang batang walang disiplina lamang ang sasalubong sa akin. Si Michael. Ang pinakabatang miyembro ng hukbo.

            Maagang namatayan si Michael ng ina. Mga limang taong gulang pa lamang siya at sa mismong harapan pa niya ito kinitil ng mga bandido. At nang siya’y magbinata na, natunghayan naman niyang paslangin ang kanyang ama ng mga aramadong terorista. Kaya ngayo’y nandito siya sa hukbo na pinamunuang minsan ng kanyang ama. At ako ang natakdang tagapag-alaga ng ulila ng aking kapatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ElementumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon