Around 8pm na akong nakauwi ng bahay namin. Kasi naman sobrang tagal ng byahe. Hay! Hindi na ako kumain ng dinner dahil wala rin naman akong gana, nag shower na lang ako at nagkulong sa kwarto. Hindi parin kasi mawala sa isip ko yung mga nangyari ngayong araw. Hindi ko namalayan na merong mainit na tubig na pumatak galing sa mga mata ko.
"Ano ba naman yan!! Sabi ko hindi ako iiyak" bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
Habang nag ddrama ako sa kawalan. Biglang nag vibrate ang phone ko.
1 new message from Bessy Triztan
Triztan: 09123456789 oh! Ayan na number ni Josh. Itext mo na ng lumigaya ka naman. Hahahaha. Enjooooy!!
Me: u better call me now bessy. Tinatamad akong mag type. Hahahaha. Saka kilala mo ako hindi ko yung unang nagtetext pag hindi ko kilala. HahahaPagka-send ko nun. Hinintay ko na lang yung tawag ni Triztan. Yeep! Tama kayo! Hindi talaga ako yung unang gumagawa ng moves no. Hahaha. Ewan ko lang ngayon! :D after 30mins nag ring na yung phone ko.
"Katagal naman ng tawag. Hanep ka" bungad ko agad sa kanya pagkasagot ko ng tawag niya.
"Hayaan mo na. Sanay ka naman mag hintay diba?"sabay tawa niya "Oo nga pala. Bakit mo ko pinatawag?" tanong niya sakin sa kabilang linya.
"Wala lang. Routine naman na natin to diba? Hahaha. By the way, tawagan mo nga si.. si.. si J-Jo-Joshua" pabulong kong sabi sa kanya.
"Naks naman!! Nauutal si Faith! Hahaha. Sige teka lang, o alam mo na ha? Mag mute ka muna" sagot niya
Syet! Bakit ba ako nautal. Argh!! :3 hindi na niya hinintay yung sagot ko at nag hold na siya. Ako naman nag mute. Teka!! Bakit nangingiti ako? Tapos bakit kinakabahan ako? Arrrgh!! Kinikilig ata ako. Ukinginaenae naman. Deeeym!!
"Chill lang Faith. Makikinig ka lang. Chill lang." bulong ko sa sarili ko. Sabay sigaw ng "Whooo!! Kaya ko to!!" sabay ngiti hanggang tenga :D
After ilang minutes bumalik na yung linya. Hudyat na'to na sinagot na ni Josh ang tawag at naka conference na kaming tatlo. Tinext ko agad si Triztan, kasi bawal akong mag salita. Kaya tinext ko na lang siya habang naka mute yung tawag ko.
"Bessy. Nanjan na ba siya?" text ko sa kanya
"Oo wait lang. Makinig ka muna" reply niya.
"Hoy! Josh! Magsalita ka naman!!" sabi ni Triztan sa kabilang linya. Muntik na akong mabingi. Hayop!
"Kaingay mo naman. Bakit ba napatawag ka?" nagulat ako ng may nagsalita na malaki ang boses at ang manly pa. Syet!! :")
"Suplado naman nito. Nasan kaba kase?" sagot ni Triztan
"Papunta ako sa kabarkada ko. Mamaya kana tumawag." sagot ni Josh. Ang manly ng boses niya. Ugh! Hahaha
"Teka lang naman Be! Eto naman oh!" sabi naman ni Triztan.
Nag usap lang sila habang ako nakikinig lang. Ang manly talaga ng boses ni Josh. Hay. Parang kanta yung boses niya sa tenga ko. Hihihi. Habang nakikinig ako biglang may tinanong si Triztan.
"Umaasa ka parin ba kay Quennie?" seryosong tanong ni Triztan.
Matagal bago nakasagot si Josh. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa magiging sagot niya.
"Be, alam mo kung gaano ko siya kamahal diba? Oo. Aminado ako na umaasa parin ako, at lahat naman ginawa ko para bumalik siya sakin. Kaso wala e. Sa ngayon gusto ko na lang kalimutan siya." Malungkot na sagot ni Josh na may halong sakit.
Pakiramdam ko sa sinabi niyang yun meron sa part ng puso ko na nakurot niya. Naawa ako sa kanya, ngayon lang ako naka-kilala ng lalaking ganun. Na akala ko sa pelikula lang nangyayari. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal yung ex niya :( To be honest, matagal ko ng hinahanap yung katulad ni Josh na lahat gagawin wag lang mawala sa kanya yung taong mahal niya. Bigla akong nagkalakas ng loob para maging interesado sa kanya.
"Josh, andito na ako. Ako na bahalang magpuno ng pagkukulang ng ex mo" sabay sabi ko sa kabilang linya. Alam kong hindi niya yun maririnig. Hay. Josh, andito na ako. Ako ng bahala magpuno ng pagkukulang niya.
BINABASA MO ANG
Akala ko Ikaw na, Akala ko Tayo na, Akala ko lang Pala.
TeenfikceWell! Well! Well!! Kamusta mga kababayan!! Hahahaha. It's bean a years simula nung huli akong nag sulat dito sa wattpad. Hahahaha. Third story ko pa lang to, and na inspired kasi ako sa story ng lovelife ko na laging palpak. Charot!! Half realistic...