Julian's POV
While walking, nakatingin yung mga mata ko sa dagat. Maganda kasi hanggang sa......
"sorry po. Di ko po sinasadya." sabi nung babaeng nakabanggaan ko at pinulot yung phone ko.
Tumayo siya at binigay na sa akin yung phone ko.
"okay lang yun. Thanks nga pala." sabi ko.
"sorry po talaga." sabi ni girl.
"okay lang yun. Ako nga pala si-"
"ohh! Andyan ka pala. Kanina pa kita hinahanap." -sabi nung lalaki ma biglang sumipot. Boyfriend niya ata.
Hahaizt! Panira moment naman oh!
"ahh. Sige. Mauna na po kami. Sorry nga po ulit :)"
"ahh. Ganun ba? Ok. Bye :)" sabi ko at umalis na sila.
"ohh bro! Andyan ka pala." sabi ni Kristian. Isa sa mga close friends at barkada ko.
"kanina ka pa hinahanap namin ah." sabi ni Nicole. Isa din sa mga close friends ko.
"ahh. Ganun ba? Sorry, naglibot lang kasi ako." sabi ko.
"ganun ba? Okay lang yun." -Kristian
"tara na? Kanina pa tayo hinihintay nina Gieline at Rochelle. Kung saan saan ka kasi pumupunta." -Nicole
"sorry po. Ano? Tara?" sabi ko at umalis na kami.
Ako nga pala si Julian Marcus Trono. 15 yrs old and turning 16. 4th yr na pala ako sa pasukan.
Lima kaming magkakaibigan. Dalawang boys at tatlong girls. Masaya kasi pag may kaibigan kang mga girls. Parang palagi silang andyan para sa'yo. Sila palagi nag-aadvise sa amin ni Kristian pag may nagagawa kaming kababalaghan xD
Anyways, andito na pala kami sa van. Pauwi na din kasi kami. Ako nalang pala ang hinihintay nila.
"saan ka ba nagpupunta?" -Gieline na parang galit ang mukha.
"kanina pa kami dito." -Rochelle na parang galit din.
Lumapit ako sa kanila at pumagitna sabay akbay sa kanila.
"alam niyo, cute kayo paggalit." sabi ko.
"talaga?!" silang dalawa.
"oo! Kaya, sorry na ha?" -ako
"ewan nga sa'yo! Tara na nga!" silang dalawa. Ano kaya trip nila? Parang kanina pa sila nagkakasabay.
Sumakay na kami sa van at umalis na :)
BINABASA MO ANG
Destiny
FanfictionWhat if kung yung lalaking nakakabangga mo, nakikita mo palagi at nakakasabay mo ay yun pala ang lalaki para sa'yo. At ito na pala ang lalaki na makakasama mo habang buhay.