I guess you can say things are getting pretty serious(girlxgirl)

675 5 0
                                    

Je's POV

Hi ako nga pala si Julia Eunice, Je for short. Excited na kasi ako papuntang Seoul. Hindi ko alam anu ba gagawin ko sobrang dami ko ng nilagay sa maleta ko feeling ko pa din kulang ang dala ko, haaaaaaaaaaay.

*tok

*tok

*tok

"Nak, maghanda ka na aalis ka na! andyan na daw yung sundo mo! Bilisan mo maiwan ka pa ng eroplano!" sabi ni mama sa akin.

Pangalawa ako at bunso sa aming magkapatid, nag iisang bebe girl ng aking Mama Bridgette San Juan at Papa Anthony San Juan. Ang kapatid ko naman nagtatrabaho na bilang Flight Attendant kaya excited ako kasi si kuya Romeo ang isa sa kasama ko sa flight ko papuntang Korea, talk about luck!

"Oh sige Ma, pababa na di naman ako tatakbuhan ng eroplano anu ba!" sabay bulalas ko sa aking motherearth.

"Hay naku Julia Eunice iiwan mo na nga kami at lahat lahat nakuha mo pang mamilosopo!" Sigaw ni mama habang malapit ng umiyak.

Sobrang mahal ko sina mama at papa, kahit ang pasaway ko sa kanila. 21 na ako at eto, nasa college pa rin ang dami ko kasing gusting kurso, nakapagtapos na ako sa kursong Culinary Arts at ngayon kumukuha ng Photography. Napili ako ng school namin pagkatapos kong manalo sa Prestigious na photography contest na pinaglabanan ng maraming photography students, pero nangibabaw pa din ang concept kong "Love on Gap". Actually isa itong picture ng dalawang taong nasa shadows at magkahiwalay nangangarap maging magkasama. Hindi ko alam na itong konseptong ito ang magbibigay sa akin ng dahilan para makapunta sa pangarap kong bansa, at yun ang South Korea. Shet, naiisip ko makikita ko pa ang 2NE1, si TOP, at kung sinu sino pang kpop na aking paborito.At baka maging boyfriend ko pa si G.Dragon(lakas mangarap eh no?)

Sana naman ngayon matagpuan ko na yung pag-ibig ko sa lugar na yun! Hay lagi na lang kasi akong iniiwan ng mga nagiging pag-ibig ko dito sa pinas T_T

Yung una si Roel, ang gwapo niya sobra, ako pa nga nanligaw sa kanya eh. Eh kasi naman baka maagaw pa ng iba, ang ending naagaw na nga siya kami pa! Kainis lang.

Pangalawa si Lucas, foreigner siya, gwapo at blue eyes pa! Grabe nadala ako sa tingin niya, eh ang ending ayun may asawa pala siya! Buti na lang talaga di ko pa sinuko ang aking pagkababae sa kanila. Pinromise ko kasi susuko ko lang ito sa taong magpapatunay na siya na talaga.

Eto na yung moment oh! Nasa airport na ako, kinakabahan ako. Hindi naman sa dahil baka manonosebleed ako sa pag eenglish kung di dahil baka mamaya maging fail na naman ang paghahanap ko sa pag-ibig na hinahangad ko.

"Ma, thank you ha? Thank you sa lahat I love you buti pumayag kayo ni papa na mag aral ako sa Korea" sabay yakap sa kanya.

"Naku anak wala yun noh! Tsaka school mo naman ang magbabayad sa lahat ng gastusin mo dun pagbutihan mo anak ha? Wag muna yang love na yan kung di hahabulin ka namin ng baril ng papa mo!" Iyak ni mama sa akin.

Grabe si mama kasi yung klase ng magulang na hinayaan ako magboyfriend kahit kung kelan boyfriend ko na saka ko lang pinapakilala o kaya naman kung kelan hiwalay na saka lang niya nalaman. Maluwag naman sila sa akin pero nahihiya pa din kasi ako.

Hay Korea please be good to me! Pagkalapag ng eroplano sa Korea, selfie agad ang peg ko haha! Ay grabe di nagsawa mata ko sa mga nakita kong pogi! (man hunt agad eh no? HAHAHA)

Tapos nung palabas na ako ng airport may humila sa bag ko. Grabe sa sobrang inis ko tinulak ko siya at nadapa siya, buti nga sa kanya yun! Nagkatinginan pa kami ng masama. Pilipino pala ang gago. Agad akong umalis ng nagmamadali sa sobrang inis ko.

"Miss wait! Come back you fool!" Sabi niya.

Pero nagmadaling umalis na ako at sumakay ng taxi

-----------------------------------------------------------

Nix POV

Nakakaasar talaga yung babaeng yun, siya na nga kumuha ng bag ko siya pa mag ganang irapan ako akala mo naman kagandang nilalang. Ako nga pala si Nicole Malonzo, Nix for short. Ang pangit kasi kung Nicole medyo di ko trip yung pangalan ko.Pumunta ako ditto sa South Korea kasi ditto na ako mag-aaral. Finally a breath of fresh air mula sa toxic na dala sa akin ng Pilipinas.

Ang totoo niyan, umalis ako kasi hindi ako tinanggap bilang anak ng step mom ko, isa daw kasi akong black sheep ng family naming. Eh sa mahilig naman ako sa banda at pumupunta ng mga gigs, ang sakit din nung sinabi ng pinsan ko na inampon na nga daw ako ako pa daw may ganang maging masama. Wow ha sa kanya pa talaga nanggaling yun eh siya nga tong umaasa sa padala ng Dad ko! Leche magsama sila dun, buti na lang pumayag si Daddy na dito ako sa South Korea mag-aral. Totoong tatay ko si Daddy Mark Lucero, pinakasalan niya yung step mom kong si Eloisa Luis nung 11 ako. Naghiwalay sina Mommy at Daddy nung panahon nay un dahil halos mabankcrupt yung company namin ni Daddy, buti na lang at nagsipag si Dad at ngayon may 12 companies na kami over Asia.

"Dad, I need some cash, some mugger stole my things, can you please send me some cash right now?" tinawagan ko si Dad sa cellphone ko na tanging natira sa akin. Kainis kasi yung babaeng yun eh! Kala mo kung sino.

"Okay baby, Just let me wire some money thru your phone I love you and please report it to the police as soon as possible!" Dad nag-aalala.

Haay buti na lang may bahay si Dad dito na binili a year ago. Dun agad ako dumiretso.

Naiisip ko pa din yung babaeng nakakuha ng bag ko. Kahit nakakainis siya captivating yung mga tingin niya..

Erase! Di pwedeng maging lesbi na naman ako! Hay nagpromise ako sa boyfriend ko na magiging babae na ako at di kailanman maattract sa babae. Sana matupad ko yun kay Jason ?

------------------------------------------------------------------

Wooh first pa lang please vote ?

Tapusin ko na episode two wait niyo lang

Loveyouguys :*

I guess you can say things are getting pretty serious(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon