Chapter 5- Friends Forever?
Hello guys! To make it up to you, patuloy po ako mag-update until next week :)
Siguro hanggang chapter 7 ^_^
Pasensya na po kung yung iba wrong spelling or mispelled.
Sa ipad kasi ako nag-aupdate ng last 2 chapters. Pero sa ngayon po dito na ako sa laptop mag-update.
here is the chapter 5! May pag-asa bang mapunta sa kabilang dako yung namumulaklak na friendship ni Nicole at Eunice?
Let's all find out!
iloveyouguys <3
-----------------------------------------------------
Nix POV
Sabi niya kanina straight siya, anu ba yan. Minsan na nga lang magbloom ang sigla ko di pa natuloy.
Wait straight ako! I've decided since naging kami ni Jason.
I don't want to crash my promise to him.
Ang swerte ko na kaya kay Jason kasi alam niyang bisexual ako tinanggap niya pa rin ako.
Naalala ko nga dati kapag may nakikita kaming girls sa bar ni Jason sasabihin ko pa sa kanya.
"12 o'clock. Rate 1-10" titingin naman siya and would say
"7 lang hun. Medyo di na firm yung balakang niya." tapos matatawa ako sa sagot niya.
Grabe manlait yung lalaking yun kahit sa babae pa, pero never niya akong nilait, at never ako nakarinig sa kanya ng something na di ko matanggap sa sarili ko.
Ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao ano? Pero ewan ko mahal ko siya oo, pero yun lang yun, never ko naisip yung future na siya yung kasama.
Lagi niyang sinasabi sa akin na naiisip niya yung future niya na ako ang kasama niya. NAkikinig lang ako sa kanya pag ganun na usapan namin.
I believe kasi na if something happens, it's for good. Ayoko kasi mag-assume at magkaroon ng mindset na ganito dapat ako sa future. May tendency kasing magbago yun at madisappoint lang ako.
Kaya mas okay na go with the flow na lang ako. What will be, will be.
Ayun nagkaraoke pa kami after namin kumain tuwang tuwa si Eunice sa karaoke room dito ,masyado daw kasing maganda kahit simple lang naman. Ang dali niyang basahin sa expression ng mukha niya.
Kung malungkot siya, excited o masaya. Napakapuno kasi ng expression ang mukha niya, hindi katulad ko. Napakapoker face ko daw sabi ng iba.
Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na tulad ni Eunice, I'm happy na finally may kaibigan akong totoo. Halos lahat ng nagiging kaibigan ko in the end iniiwan ako, halos si Jason nga langg natira sa akin back in Manila.
Bilis ko mag-assume na totoo si Eunice hindi ba? simple lang naman kasi kung bakit ganun, simula ng makilala ko siya, kahit pikunin siya, sobrang totoo niya sa ibang tao man o sa akin. Ewan ko ba ang dali niyang basahin kung susumahin mo yung ugali niya.
Ako kasi yung tipong mapag obserba ng tao. Kanina pa lang sa Visual arts class namin, walang halong pagiging plastic si Eunice, gusto talaga niyang makipagkaibigan, hindi mo nga masabi na malandi siya kasi kahit yung mga lalaking kaklase namin halatang may gusto sa kanya pero ang dense niya,
hirap makagets na may gusto na pala sa kanya.
Medyo nakakainggit nga siya, madali siyang mag-open up sa tao di tulad ko, kung di dahil sa kanya may kaibigan kaya akong matatawag?
BINABASA MO ANG
I guess you can say things are getting pretty serious(girlxgirl)
Romance---------------------------------------- Hey guys This is my first story, nainspired kasi ako sa mga nabasa ko eh. will update every week kapag nagustuhan niyo or kahit hindi naman mag uupdate pa din ako Loveyouguys :* ...