★ Chapter 1★

16 1 0
                                    

Siri Anika's Pov

Hi im Siri Anika Dim pronounce as (Sy-ri). I have a twin sister and her name is Sapphire Elis Dim. I am the princess of Good and my twin is the princess of Evil. Pero kahit na sya ang princess of evils may kabutihan parin naman sa kanya eh.

"Hoy Siri nagde-daydream ka na naman dyan! "

"Ay nak ng-- ano ka ba naman Sapphire nang gugulat ka na naman eh." sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya.

"Ikaw kasi ang aga-aga nagde-daydream ka na naman."

"Ano naman sayo? Tsaka bakit ka nandito sa kwarto ko ha?" Tanong ko.

"Pinapatawag daw tayo nila mama kasi may sasabihin sila sa atin." Sagot nya.

Sus yun lang naman pala eh.

"Ah paki sabi na lang na susunod na lang ako. Mag aayos lang ako ng sarili ko." Sabi ko pa then lumabas na rin sya sa kwarto ko.

Nag ayos na agad ako ng sarili ko baka mamaya magagalit na naman si papa dahil ang tagal ko bumaba.

---

"Goodmorning Princess Siri!" Sabay sabay na sabi ng mga katulong, buttler at etc. Di ko na sasabihin pa yung iba dahil sobrang rami nila.

"Goodmorning rin sa inyong lahat!" Bati ko ng nakangiti.

Dumiretso na ako sa big dome dahil dun daw kami magkita kita.

Yung big dome namin ay parang isang hall kung saan nagtitipon tipon kami minsan. Di ko na pro-problemahin pa yung kakainin ko kasi for sure marami ng foods dun sa table sa loob ng big dome.

"Bakit nyo po kami pinatawag mama?" Tanong ko sabay upo sa bakanteng upuan na kaharap lang ni mama.

"Ano po yung sasabihin nyo?" Tanong naman ni Sapphire.

"Pinatawag naminh kayo upang ipaalam sa inyo ang nakalaang misyon na ibinigay ng Grandma nyo pero sa pagkakataong ito hindi kayo maninirahan sa ating kaharian." paliwanag ni mama

"WHHATTTT? seriously mama? pero paano na po si Ourania? sino na po yung magpapakain sa kanya?" walang hintong tanong ni Sapphire.

"Heh! manahimik ka nga muna sapp hindi pa nga tapos si mama magpaliwanag! pero oo nga naman mama sino na lang po mag-aalaga ng mga alaga namin, eh ayaw nga po nila kumain pag yung mga katulong ang magpapakain sa kanila!' tanong ko

"About naman dyan. Ang sabi ng Grandma nyo ang mga Sorcerer na lang daw ang bahala na palitan ang anyo ng mga alaga nyo. Gagawin ata silang aso dahil sa mundo ng mga tao kayo titira." paliwanag naman ni papa

" Tsaka completo naman lahat ng kinakailangan nyo sa mundo ng Tao dalhin nyo na lang yung gusto nyong dadalhin. Pero tandaan nyo mga anak hindi nyo maaaring ipakita sa mga tao ang inyong mga kapangyarihan dahil isa iyan sa mga rules ng ating kaharian. Naintindihan nyo bah?" paalala ni mama. Tumango lang kami.

"Maaari na kayong mag-ayos ng mga gamit na dadalhin nyo tsaka yung mga alaga nyo dalhin nyo na sa mga sorcerer at sila na bahala." sabi ni uncle Lazarus.


Nqa pala si uncle Lazarus ay kapatid ni mama dito narin sila tumira ni tita Elena simula nung pangyayaring yun. Si Clifford naman ay anak nila uncle at tita elena, magka edaran lang kami nyan pero napaka matured na. Akalain mong napa amo nya yung alaga ni Sapphire eh kahit nga sila mama at papa hindi kayang paamuhin yun sya pa kaya na mas bata lang? Hay naku pero mamaya na lang tayo magkwentuhan kailangan ko pang pumunta sa kwarto ko.

Twin's Love Where stories live. Discover now