Effort mo naman

1 0 0
                                    

2nd year Highschool


Nauso ang jejemon, paplug ng number para dagdag sa contacts at katext. Nakuha ko number nya, and basically pinapadaanan ko lang talaga sya ng GMs ko. Schoolmate ko pero di sya kilala, ang alam ko lang 4th yr sya na nun. After 2yrs, naglakas na ko ng loob na magreply sa GM nya. Midnight, nagtext sya kung sino pa gising, eh ako si puyat kahit walang ginagawa, kaya nireply ko. Swerte nun nagreply, sad lang nun binasa ko un reply "matulog ka na po". Pero dahil pinaglihi ako sa kakulitan, kapag gising ako at nasaktuhan ko GM nya, nagrereply ako. Feeling Close ako, totoo naman gusto ko lang talaga ng kausap nun saka alam ko na down sya nung mga panahon na un.


1st year College


Almost 2yrs kaming magkatxt bago nagkita, and yes naging successful un pagiging FC ko sa kanya pero paminsan minsan nawawalan ng communication pero ok lang. Pagnagkikita kami lagi nya kong nililibre, mabait sya, sweet kaya maiisip din na halos lahat ng madidikit sa kanyang babae magkakagusto.


Months after, tinawagan nya ko. Typical usap lang and out of nowhere nag ILOVEYOU sya sakin, ewan ko kinilig pero ayoko pa, kasi saglit palang nagkikita. Hanggang sa kinukulit ko sya lagi na sabihin nya uli un, masarap kasi sa feeling un naririnig ko na sabihin nya sakin un, hindi ung nababasa ko lang sa text. Natagalan bago ako nagreply sa ILY mo, kasi ayoko pa talaga pumasok sa isa na namang relasyon. Pero nun oras na handa na kong magpapasok sa puso ko, saka naman nadagdagan pa ng lock ang pinto nito.


Noong oras na nagILOVEYOUTOO ako, hindi na sya nagtxt sakin. at alam ko na kung bakit. Ako na nagtxt sa kanya, saka ko tinanong kung para san un. At sobrang saya ko dun sa nabasa ko, "para paasahin ka" my reply? "salamat sa lahat ng nasayang mong oras effort pera para lang paasahin ako. sana naging masaya ka sa resulta"


Kahit na nakaisang taon na ang nangyari, ayaw ko pa din maniwala na pinaasa lang nya ko. Dahil alam ko at kilala ko sya sa kahit na aong paraan. Hindi naman sa hindi pa ko nakakamove on o tanga lang talaga ko, pero mas nakakagaan ng loob kapag alam kong masaya sya ngayon. Pagnakausap ko na sya uli, doon ko lang masasabi na ok na ko talaga.


₪₪₪

ShortStory: PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon