Forever Omegle

0 0 0
                                    

Marami naman siguro satin ang napapatambay sa Omegle diba? Pampatanggal ng stress, pampalipas oras. Dahil nagbabantay ako sa CompShop, sa Omegle ako naghahanap ng makakausap. Kung nahanap ko ung forever ko sa omegle? Oo naman, kaso ung forever namin parang unli, kung gano kadaling iregister at kahit na sabihin na unlimited may expiration pa rin. Nagkaroon ako ng GF, kagaya ng ibang relasyon sa umpisa masaya pero pagtumatagal humihirap na ung mga challenges. Madalas syang tumambay samin, oo baliktad pero bawal pa daw kasi ayaw ng Papa nya. Pinagluluto ko sya ng pasta pagpumupunta sya dito sa bahay, ganun lang un set up namin. Simple lang, sa sobrang simple siguro kaya sya nagsawa agad.


Naging cold sya, di ko alam kung anong problema kung bakit bigla nalang di nagtetext, di na nagpaparamdam. Tinatanong ko, laging "wala" naman un sagot. Kahit na wala akong reply na natatanggap nagtetext pa din ako lagi. Isang beses nga umuulan, nagtext ako na "nagluto ako, mag ingat ka jan magpayong ka wag ka papabasa sa ulan, dumaan ka sa bahay kung gusto mo" masaya ko nung biglang may nagreply, bilis nga ehh kaso nawrong send lang pala ko kaya may nagreply. Nanuyo pa uli ako, dadalan ko sana ng pagkain kasi alam ko na stress na sa schoolworks, tumawag ako nagtext tumawag uli, nakulitan ata sakin kasi nun sinagot galit na galit, concern lang naman ako saka miss na kita.


Hanggang sa -- nagbreak na kami, ayoko sana kaso un ung gusto nya kaya nirespeto ko nalang. Di ko talaga kaya, umiiyak ako pagnamimiss kita. May iniyakan pa nga ko para lang gumaan pakiramdam ko. Pero makulit ako nagkita lang uli nakipagbalikan na agad ako, kaso bakit ganun? Akala ko sapat na ung time na binigay sa isa't-isa para maging ok na kami pero balewala din pala un. Naging kami lang uli, pero ganun pa din, walang pinagbago. Sa huling beses nagsawa na, ako na nakipaghiwalay baka kasi wala na talagang pag-asa para naisurvive pa un relasyon.

Sana di ka nalang pumayag, kung di mo din naman kayang pangatawanan un sinabi mo.

Ngayon, siguro maghahanap na naman ako ng kausap sa omegle pero hindi para magkaroon ng kapalit ka kundi para magkaroon ako ng malalabasan ng nararamdaman ko.

ShortStory: PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon