CHAPTER TWELVE

160 6 1
                                    

Ilang araw lang ang tinagal ng Papa niya bago nadischarge ito sa hospital at sa buong durasyon noon ay wala siyang narinig mula kay Julian.
Hindi niya kaya nabasa ang voice message ko? Hindi ba niya ako namiss? Gustong sumama ng loob niya dahil wala siyang natanggap ni kahit anong sagot na nanggaling dito. Kahit nga christmas greetings ay wala bisperas pa naman ang araw na iyon ng pasko.
Kasalukuyan siyang nasa bahay ng magulang niya at nagkaroon sila ng mumunting get together kasama ang mga kamag anak nila na doon din sa London naninirahan para sa selebrasyon ng pasko. Nanatili siyang nakatayo sa isang tabi at manaka naka lang na sumasali sa usapan ng mga pinsan niya. Abala rin sa pagkekwentuhan ang magulang niya at ang mga matatanda.

"Time to exchange gifts! But first thing first. Keige anak nasa labas ang regalo namin sa iyo." Masayang ani ng Mama niya sakanya.

"Sobrang laki ba Ma para hindi magkasiya sa Christmas tree?" Nagbibirong sagot niya.

"You'll see anak."

"Bagong kotse ba Ma?" Hirit niya habang sinimulan ng maglakad papunta sa labas nila. Halakhak ng magulang niya ang huling narinig niya bago makalabas. Napaangat siyang kilay ng kotse lang ng Papa niya na nakaparking sa garahe na nakita nila. Inilibot niya ang paningin.

"Asan iyong kotse? Binibiro lang ba ako ng mga iyon?" Pero nagulat siya ng biglang may tumakip sa mga mata niya. Biglang napahawak siya sa matipunong braso nang kung sino mang nantitrip sakaniya. Suminghot siya. Ang pabangong iyon, pamilyar na pamilyar sa kanya. This can't be happening.

"I miss you." Bulong ni Julian at Dahang dahang inalis nito ang kamay na nakatakip sa mata niya at masuyong iniyakap sa balikat niya.

I miss you too.. So much Pero hindi niya nasabi iyon dahil iba ang lumabas sa bibig niya. "Talaga? Bakit hindi halata?"

Narinig niya ang marahang pagtawa nito saka pinihit siya paharap. Hindi niya mapigilang mabunghalit ng tawa ng makita niyang may nakabuhol na red ribbon sa leeg nito.

"Ikaw ba ang sinasabi nina Mama ang sinasabing regalo nila saken?"

"Yes but please stop laughing kung hindi mahahalikan kita."

"Go on." Pero huli na ng marealize niya kung anong nasagot niya dahil naramdaman niya ang mabilis na pag angkin nito sa labi niya. Halata ang pangungulila nito sakanya sa paraan ng paghalik nito sakanya. She kiss him back with the same intensity and hunger, just like she always did.

"I love you." Bulong nito sakanya ng maghiwalay sila.

"I love you too.." Sinserong sagot niya at nakita niya ang pag aliwalas ng mukha nito.

"And Merry Christmas."

"Your suppose to say that with a gift." Kantiyaw niya rito.

"And that's why I'm wearing this stupid ribbon, to give myself to you as a gift, pakasalan mo 'ko Kenneth Gae."

Ngayon lang niya narinig na banggitin nito ang buong pangalan niya at gustong gusto niya iyon. "Paano ang Nanay mo?"

"Don't worry about it Sweetheart, she loves you."

"Sigurado ka?"

"Bakit parati kang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko?"

"Aba'y naniniguro lang, magkaiba iyon!" Depensa niya sa sarili. At nagulat siya ng bigla siya nitong hatakin at ipaloob sa mahigpit na yakap nito.

"Isa lang ang masisiguro ko sayo... Mahal kita."

"Alam ko."

"Bakit hindi ka na naniguro?"

"Sinong lalake ang tatawid ng karagatan para lang mairegalo ang sarili sa akin, diba't ikaw lang? Patay na patay ka talaga sa akin ano?"

Natatawang kinusot nito ang buhok niya."Lagi kong pinapakinggan iyong voice message mo.. Hanggang sa hindi na 'ko makatiis kundi puntahan ka. Mahirap na baka makakita ka ng guwapong kalahi ni Harry Potter ipagpalit mo pa 'ko."

"Si Jam lang ang baliw kay Harry Potter, at saka hindi kita pwedeng ipagpalit sa non existing na yun. Kay Doc Mike pwede pa, crush ko yun eh." Pagbibiro niya.

"Doctor din naman ako ah!

"Sabi ko nga!"

Pinaningkitan siya nito ng mata. "You!"

"Mahal naman kita ah! May irereklamo ka pa?" Angal niya rito.

Inakbayan lang siya nito at nagsimulang maglakad papasok. "Uuwi na tayo pagkatapos nito, hindi na 'ko makapaghintay na maipakita ang bunga ng paghihirap ko."

Kinurot niya ang tagiliran nito. "Kung magsalita ka parang nagtanim ka at umani lang ah."

"Nagtanim naman talaga ako ah? Nagtanim ako ng matinding pagmamahal at kita mo naman ang bunga? Ang pag ibig mo o sinta ko."

She planted a kiss in his lips. Oh how he love this guy more and more each time they are together. He learn to love him and his cheesy lines specially because she knows it's for her. She can finally view herself as a wife with this guy beside her as loving husband, they will built a big happy family just like theirs. And that's for sure.

  ~~~~THE END~~~

The Ferrera Brothers: Julian FerreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon