CHAPTER SEVEN

70 3 0
                                    

HINDI gusto ni Julian ang nakikitang pagkakalapit ni Keige at ang lalaking bigla bigla na lang lumitaw sa harap nila at tangayin ang babaeng itinatangi niya.

"That guy Terrence is Keige' highschool crush."

Noon na niya naramdaman na nasa tabi na pala niya sina Migs at Jam na mukhang aliw na aliw sa nakikita.

"Oh young love!" Iwinasiwas pa ni Migs ang dalawang kamay. "Ang sweet nila no?" Dagdag pa nito.

Hindi siya sumagot, gusto na niyang tapusin ang kanta para matapos na rin ang paghinagpis ng puso niya.

At hindi naman nagtagal ay ihinatid na ng lalake si Keige, bahagyang tumango lang ito sakanya saka umalis sa harap nila.

"Anong sabi ni Rence bakla?" Pag usisa ni Jam.

Nagtagpo ang kilay nito. "Kayo ba ang may pakana ng nakakahiyang sitwasyon na iyon?" Angil nito sa mga kaibigan.

"We are just doing you a favor, just be thankful heto walang utang na loob." Birong sagot ni Migs.

"Ewan ko sa'yo!" Inis na sagot ni Keige

"Love let's dance.. Para naman hindi ka na humingi ng sayaw sa Charlie Molina na iyon." Narinig niya ang boses ni Richard na inaaya si Jam.

Pinagkukurot naman ni Jam ang pisngi nito. "Ikaw lang ang mahal ko." Nakangiting sagot nito saka magkasamang lumayo ang dalawa.

"Let's go dance." Yaya niya sa babaeng katabi.

"Ayoko, kakatapos ko lang sumayaw at napagod ako. Kayo na lang ni Migs."

Nasaktan siya sa lantarang pagtanggi nito at pagpasa sakanya sa kaibigan nito. Nakita niyang napaangat ng kilay si Migs at tinapunan ng nagbabala at nagtatanong tingin sa kaibigan. Pero saglit lang iyon dahil inabot ni Migs ang kamay niya at niyayang tumayo. Iniwan nila si Keige na mag-isa.

"Kahit kailan baliw ang isang iyon." Narinig niya ang naiinis nang si Migs.

Alanganing napangiti siya."Maybe she really doesn't want me."

"She's just struggling emotionally." Tumingin sakanya si Migs, concern is visible through her eyes. "Keige love being alone and independent, she's one hell a tough woman. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi yan marunong magmahal, she might be emotionless outside but deep inside she is also weak. Alam mo ba kung bakit ganyan yan?"

"Nope. Wala siyang naikekwento sakin."

"We are in senior year when she met this guy who courted her and made her fall. Naging boyfriend niya iyon pero after a week ay nalaman naming may girlfriend na pala ito. Buntis pa! She's devastated with the thought na niloko siya pero mas masakit isiping na-involve ito sa third party. Sinugod siya ng babae sa school namin at pinahiya sa maraming tao, kahit ang totoo ay biktima lang naman siya at walang alam na may girlfriend na ang gagong Chris na iyon. She was branded as Miss Number Two by our schoolmates. Simula noon kapag may lumalapit para manliligaw ay tinuturn down niya agad, she said she will be the one to choose the guy na mamahalin niya at gusto niya ay siya ang unang magkagusto. She never trust any man who told her he likes or love her right away."

"Sinabi ko agad sakanya na gusto ko siya unang beses ko pa lang siyang makita."

"Patay! Kaya pala pinapalayo ka niya. Pero kahit hindi halata matindi ang epekto mo sakanya."

"Paano mo nasabi?"

"Dahil hindi ka niya ikekwento sakin kung hindi, madalang lang magshare ng iniisip yan, minsan nga saka lang nagpapasabi kapag nasasaktan na. Just don't give up on her will you?"

The Ferrera Brothers: Julian FerreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon