5 years ago may nakilala akong batang babae na naglalaro sa playground.
Gandang-ganda ako noon sa kanya. At hindi ko namalayan na lumapit na pala siya sa akin noon.Tinanong niya ako kung gusto kong sumali sa kanila at tumango ako. At dahil sa may kalampahan ako noon nadapa ako.
Ramdam ko ang sakit sa may bandang tuhod ko at nagkadugo pa ito. Umiyak ako kaso mabilis mo akong pinatahan. Sinabihan mo pa nga akong bakla.
Naasar ako sa iyo nun. Kaso napawi lahat ng iyon ng yakapin mo ako at nilagyan mo ng panyo ang sugat ko.
Inabutan na tayo ng dilim sa kakalaro. Ewan ko ba pero pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay ikaw kaagad ang naisip ko maski sa panaginip ko daldala ko'y ikaw.
Kinabukasan, hinintay kitang dumating. Kaso ni anino mo hindi ko nakita at naulit pa iyon ng ilang linggo nahindi pagpaparamdam . Sabi sa sarili ko ito na ang huling araw na maghihintay ako. Kaso sa kasamaang palad umulan pa ng araw na iyon pero hindi ako nagpatinag. Pumunta ako sa playground kung saan kita unang nakita at umupo sa isa sa mga swing dun. Susuko na sana ako kaso nagulat ako bigla kang nagparamdam.
Sobrang galak ako nun at hindi ko napigilang yakapin ka at ganun din ikaw. Kinuwneto mo saakin kung bakit nawala ka ng ilang linggo.At yun pala dahil ngayon palang kayo maglilipat ng bahay dito.
BINABASA MO ANG
Friend
Short StoryThis is very short story about love between friendship _-_-_-_-_- Sorry. kung may mga typos , grammatical errors and etc. Just inform me kung meron man..hehehe