Her Pov

30 1 3
                                    

  Limang taon na ang nakakalipas ng makilala ko ikaw ang  unang lalaking nagpatibok ng puso ko, Saring-sariwa pa ang nangyari noon.

Nasa playground ako at nakikipaglaro ng makita kitang nakatitig sa akin. Kaya pinuntahan kita at niyaya kitang maglaro.

Hindi ko alam na may kalampahan ka pala. Tinulungan kita at nakita ko na paiyak ka na dahil may dugo ang tuhod mo.

Natawag pa kitang bakla na hindi ko namang intensyong sabihin kaso kusang lumabas sa mga bibig ko.

Halatang nainis ka nun at natakot ako kaya niyakap kita at nilagyan ko ng panyo sugat mo.

Halatang nasiyahan ka nun at tumigil sa pag-iyak at tinuloy ang laro.

Halos abutan na nga tayo ng dilim eh. Simula ng araw na iyon hindi ma kita makalimutan. Bawat gabi kinukulit ko sina mama at papa na bumalik sa lugar na iyon.

Pero mas kinatuwa ko ang sabi nila. Dun na kami titira. Halos isang linggo din kaming busy sa paglipat ng gamit. Pumupunta ako minsan sa playground pero wala ka , halos mag-gagabi narin kasi yun.

Hanggang isang araw, pumunta ako sa playground kahit umuulan. Nakita kitang nakaupo sa isa sa mga swing doon. At mababakas mo na malungkot ka. Napatingin ka sa akin at dali-dali kang lumapit sa akin at niyakap mo ako. Ewan ko pero ang saya saya ko nang araw na iyon.

FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon