Kasi Nga Tanga Ako!

191 6 4
                                    

Maraming tao na ang sumubok magmahal.

Yung iba, naging masaya dahil totoo ang pagmamahalan nila.

Yung iba, nasaktan dahil hindi sila mahal ng taong mahal nila o dahil napagtanto nilang hindi sila para sa isa't isa.

Mayroon din namang takot magmahal. Ayaw nilang masaktan pero bakit ba napaka-advance ng mga tao? Masaktan agad? Eh hindi pa nga nila sinusubukan.

Pero ako, nagmahal ako. Sinubukan ko. Kaya lang..

Ang tanga ko para mangarap.

"Crush mo pa rin?" Rinig kong pabulong na tanong ni Vanessa, ang girl bestfriend ko.

Naghalumbaba ako at tumango. Napailing na lamang siya at mahinang tumawa. Bumalik ang tingin ko sa lalaking tumatakbo ngayon palapit sa amin. Ang gwapo niya, matangkad, nakakahawa ang ngiti niya.. Haay. Kahit siguro ilang beses ko siyang tingnan, hindi ako magsasawa.

Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Nakangiti akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang ngiti niya.

Unti-unting lumalapit ang mukha niya.. Hindi nagtagal ay naramdaman at naamoy ko na ang hininga niya.. Konti na lang, magdadampi na ang mga labi namin.

Konti na lang..

"KATH! JUSKO! GUMISING KA NA NGA DYAN!"

Napadilat ako nang marinig ko ang sigaw ni Vanessa. Umupo ako sa kama at kinusot-kusot ang mga mata ko bago tumingin sa kanya.

"Istorbo ka, alam mo yun? Nakakainis! Ayun na eh, papunta na dun! Magki-kiss na kami ni Justin eh! Psh!"

Bigla niya akong binatukan ng pagkalakas-lakas. Bwiset na babaita ito!

"Aray ah! Baka maalog ang utak ko, ano ba!"

"No worries. Wala namang laman yan eh."

Ngumuso ako at nag-teary eyes kunwari pero..

"Subukan mong gamitin yang technique mo na yan at iiwan na talaga kita dito! Bahala kang ma-late sa klase."

Napasimangot tuloy ako sa banta niya. Padabog akong bumangon at naglakad papasok sa banyo. Nagmadali akong maligo at magbihis pero dahil mabagal talaga ang kilos ko, eto, late pa rin kaming dumating sa school.

Nakatungo akong naglakad papasok at dumiretso agad sa upuan ko. Kaya lang..

"Uhm, excuse me.." nahihiya kong wika sa lalaking nakaupo sa upuan ko.

EMERGHED. He's here! Ehem! Ehem!

"Ow, sorry." sabi niya at tumayo na.

Umupo naman na ako at tumungo. Napansin kong nakatayo pa rin sa tabi ko si Justin kaya tumingin ako sa kanya.

"B-bakit?"

Umupo siya sa tabi ko at, "Justin nga pala. Ikaw si Katheryn di ba?"

OH MY GOD! IS THIS REALLY TRUE? SI JUSTIN? KINAKAUSAP AKO?

KYAAAAH~ PWEDE NA 'KONG MAMATAY--TEKA, WAG PALA. WAG MUNA.

"Friends?" nakangiting tanong niya.

Eeeehh~ Ano ba yan! Ngiti pa lang, tunaw na ako!

"Sige! Friends!"

Is this the beginning of our love story? Eeeehh~ Excited na ako sa next chapter kung ganun!

Ang tanga ko para maniwala.

"Bakit ka ba kasi nagmadali kanina? Ayan tuloy, naiwan mo yung wallet mo!" Sermon sa'kin ni Vanessa habang inaayos niya ang gamit niya sa bag.

Kasi Nga Tanga Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon