Prologue

5 0 0
                                    

Prologue

Napahinto ako mula sa balak kong pagkuha sa cake na nasa loob ng refrigerator nang makarinig ako ng malakas na pagkatok mula sa pintuan ng aking apartment.

Wala naman akong hinihintay na b'wisita.

"Sinong b'wisit naman kaya iyon?" mahinang usal ko at sinulyapan ang red velvet cake na nang-iinggit bago marahang sinarhan ang fridge.

Mariin akong napapikit nang palakas nang palakas ang pagkatok.

Hayop!

Mabibigat ang mga hakbang akong naglakad patungo sa pintuan at marahas iyong binuksan.

"You, dimwit! P'wede mo namang pihitin ang doorknob para bumukas ang pinto bakit kailangan mo pang mag-ingay, animal ka!" malakas na sigaw ko sa pagmumukha ng hayop na nakikitira lang sa apartment ko.

"H'wag ka nga'ng sumigaw! Kaka-uwi ko pa lang, gan'yan na ka agad ang isasalubong mo sa akin?! At saka, hindi ko naman alam na naka bukas, a!" kontra niya at maingat akong itinulak papasok.

"Ang lakas naman ng loob mong itulak ako, gayshit ka! Hindi ko naman kasalanan na bobo ka, e!"

Inis akong naglakad pabalik sa kusina at padabog na binuksan ang pinto ng fridge.

"H-Hoy, Pransiya! A-Anong gagawin mo?! May balak ka na naman bang nakawin ang cake ko?!" rinig kong sigaw niya kasabay ng pagtakbo niya papunta sa p'westo ko.  

Agad akong humarang sa fridge at sinubukang sipain siya pero, panay din ang pag-iwas niya.

"Namo ka, Pristu! Lumayo-layo ka! Hindi ako magnanakaw, 'no! Kukuha lang ako ng isang maliit na slice! Hindi pagnanakaw 'yon! Layo! Shoo!" natatawang saway ko sa kaniya at hinampas ang braso niya. "Layo na kasi, Presto!"

"France naman, e! 'Wag naman 'yong cake ko!" pagmamakaawa niya at pilit na lumalapit sa akin pero, nagpatuloy lang ako sa pagharang sa fridge at pagsisipa sa kaniya.

"Lumayo ka! Isa! 'Pag hindi ko lumayo, sa labas ka matutulog!" pagbabanta ko pa sa kaniya. Napasimangot na lang siya at bagsak ang magkabilang balikat na naglakad papalayo.

Napangisi na lang ako bago ulit humarap sa fridge at nakipagtitigan sa cake.

"Hmmm... Yummy!"

Nakangiting kinuha ko ito at maingat na inilapag sa mesa ang lalagyan nito. Naglakad ako papunta sa lagayan ng dish rack at kumuha ng saucer, breadknife and fork bago bumalik sa mesa.

"Mhm. Kaunti lang naman ang kukuhanin ko, e." bulong ko at nagsimulang i-slice ang kalahati ng cake. Maliit lang naman.

"I love you..."

Napatigil ako sa paghati ng cake nang marinig ko ang sinabi ni Presto.

"I love you so much..."

Napanganga ako sa aking narinig. I love you? So much?

M-Mahal niya ako?

Nanghihinang binalingan ko ang lalakeng nasa likuran ko pero...

...unti-unting naglaho ang sayang nararamdaman ko nang makita ko siyang malawak ang ngiti habang nasa tainga nito ang cellphone.

Punyeta, ang sarap ng cake.  

Presto & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon