Chapter 1

1K 13 10
                                    

Chapter 1


Crush? Ano ba ‘yan? Makakain ba ‘yan? Yayaman ba ako diyan? Uunlad ba ang bansa natin diyan? Matitigil ba ang gera dahil diyan? Ang sagot sa mga tanong na iyan: isang malaki at malutong na hindi. Gayun pa man sa araw-araw na ginawa ng diyos imposibleng hindi mo maririnig ‘yan. Para na ngang pangunahing pangangailangan ‘yan para sa mga taong umiibig at humahanga. Iyan ang una kong paniniwala tungkol sa crush.

Para sa’kin dati ang crush; panggulo, panira at lahat na ata ng negatibong bagay na pwedeng pumasok sa utak ko. Madalas kasi dumadating sa pagkakataon na hindi pinapansin ng crush nila ang mga kaibigan ko, naiisip ko na ang crush pala ay isang tao na pinaglalaanan mo ng sobra sobrang panahon kahit na hindi ka sigurado kung mapapansin ka niya o kung alam ba niya na may isang ikaw na ipinanganak sa mundo para hangaan siya. Tapos makikita mo na ‘yong iba iniiyakan pa. Bilang bata nakaayos na ang isipan ko sa paniniwala na kapag iniiyakan mo ibig sabihin masama, ibig sabihin nasasaktan ka, kaya na rin siguro naging ganoon ang laman ng utak ko.

Nagbago lang iyong paniniwala na iyon noong nagkacrush na ako. Parang ewan lang di ba? Mula sa pagiging mapanirang bagay ang crush ay naging inspirasiyon. Sabi nga nila: paghanga. Ang bilis nga talaga magbago ng ihip ng hangin. Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko. Sa loob ng labing-limang taon nabubuhay ako, marami na rin akong naging crush. Kahit papaano naman hindi ako manhid at marunong din akong humanga. Pero sa lahat ng naging crush ko, may namumukod tangi sa hindi ko malamang dahilan.

FIRST YEAR (S.Y. 2011-2012) First year ako nang makilala ko siya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa kanya. Mayabang kasi ‘yong dating niya tapos naguumapaw pa ang papuri sa kanya ng lahat. Ewan ko ba, ang inaasahan ko talaga na magugustuhan ko ay iyong kaugali at kagaya ng mga prinsipe na nababasa ko sa mga libro. Sangkatutak na panglalait ang inabot ng lalake na ‘yon sa isip ko. Siguro sa pangit ng impression ko sa kanya noong first year, ilang beses ko na siyang napatay sa utak ko.

Pero lahat ng mga sinabi ko? Kinain ko din lahat. JULY 22, 2011. Nang mapagtanto ko that I’m infected with his alluring effect to everyone. Naging crush ko na siya. And everyday parang mas lumalala, dahil mas lumalalim ‘yong nararamdaman ko para sa kanya.

Kung iyong iba ang wish maging crush ng crush niya, ako ang wish ko lang mapansin niya at mas makilala ko siya. Iyon lang sapat na. Masaya na ako doon. Kaya kinaibigan ko siya. DECEMBER 26, 2011. Officially Bestfriends na kami. Hindi ako ang nagdeclare niyan. Siya mismo. That date is very special to me. Ito ‘yong araw na naging matalik na magkaibigan na kami. ‘yong araw na naging PARDS ko siya at PARDS niya ako.

SECOND YEAR (S.Y. 2012-2013) 26th of every month. Iyan ang araw na pinakahihintay ko buwan-buwan. 26 kasi ang FRIENDsary namin. Firendsary, 'yong monthsary friends version nga lang. Tanging araw na kinakausap niya ako, kapag mamalasin pa ako hindi niya ako babatiin ng kahit “Happy Friendsary Pards!” man lang. Feeling ko kasi we grew apart noong 2nd year, although we didn’t became that close noong 1st year. Hindi pa kasi kami nagiging magkaklase ever since. Siguro nailang din siya dahil sa pag-amin ko sa kanya na gusto ko siya. Oo, inamin ko. Best friends na kami di ba? Karapatan niya malaman ‘yon. ‘yang mga panahon na iyan diyan ko naunawaan na hindi mababaw ‘yong mga bagay na tinuturin kong mababaw dati. Iyong tipong makita mo pa lang siya masaya ka na. Tingnan ka lang niya maiihi ka na sa kilig, sabay hampas sa mga bestfriends mo. Totoo nga malalaman mo lang kung anong pakiramdam kung ikaw mismo ang makakaranas, madalas nga mas malala ka pa.

Ang lalakeng tinutukoy ko? Si ASHTON DYLAN J. SUAREZ. The Heartless Heartthrob. Lahat na ata ng babae na nagkakagusto sa kanya napapaiyak niya, pero hindi mo alam kung unintentionally o masyado lang siyang manhid.

The Heartless HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon