Chapter 2
Although halos maghysterical na kami ni Karylle no'ng birthday ni Janaia, dahil nga nawawala siya, bawi naman kami kahapon. Lumabas kaming tatlo kahapon well kumain lang naman kami then kwentuhan kasi may activity ngayon tapos may activity pa after ng Angel Soul System Program na ito. Busy kami eh’, malapit na kasi ang Intramurals tapos Juniors and Seniors ang pinagaasikaso ng lahat ng students' activities.
“Hoy Juniors! ‘yong mga Grade 5 students ang naassign sa’tin! Umayos kayo!” sigaw ni Mara sa harap, isa siya sa mga Juniors na kasama sa Student Executive Board. “Behave okay? Mauna na ako I’ll check the Freshmen and Sophomores pa!” Behave. Psh. Ginawa pa kaming aso nito.
Tatlo lang kami na magkakasama ngayon si Tristan, si Janaia at ako. Kasama kasi si Karylle sa mga nagaasikaso ng partner ups para sa activity with the elementary. Napalingon naman ako kay Janaia, humihikab, parang tamad na tamad siya. Wala na namang gana.
Napukaw naman ang atensyon ko ng masiglang si Tristan. “Best! Sino kaya aalagaan ko?” excited na tanong ni Tristan kay Janaia. Asar talaga 'to mang-aagaw ng best friend. Buisit!
“Oo nga Shayshay!” react ko, baka sakaling ganahan si Janaia. “Oy! Bakit ka nakasimangot? Hindi ka ba excited?” tanong ko agad.
“Hindi.” matipid niyang sagot. As expected wala sa mood.
Nako talaga 'tong babae na 'to. “Shayshay!” I gave her a warning tone.
“Ang cute kaya nila Best!” segunda naman ni Tristan.
“They are monsters.” Salbahe talaga 'to, kala mo di dumaan sa pagkabata e'. Sinamaan ko naman ng tingin si Janaia sa sinabi niya, kaya binawi niya agad. “They are cute and adorable monsters” she said with a fake smile, mark the sarcasm. Hay nako!
Napailing na lang kaming dalawa ni Tristan sa inakto niya. Hindi talaga siya mahilig sa bata pero 'yong mga bata hilig siya. Malas niya.
Hindi nagtagal dumating na din ‘yong mga grade 5 students. “Hi Juniors! Ito nga pala ang Grade 5 students sila ang aalagaan or magiging little sister o brother niyo for today.Guys! This activity aims to promote acquiantance within the student body. Iiwan ko na ang students ko sa’inyo. Good luck! And by the way Grade 5 please behave. ” sabi ng adviser ng isang grade 5 then she left the quadrangle. Quadrangle kasi ang venue ng assembly.
“Guys! By Partner daw tayo! Para lahat may aalagaan.” sabi ni Leah, ‘yong president namin.
Pero pagkaalis na pagkaalis ng teacher ng mga Grade 5, bigla na lang nagtakbuhan ‘yong mga grade 5. Napanganga na lang kai Hindi magkandauagaga lahat para pakalmahin sila. Takte parang mga nakawala sa hawla 'yong mga bata. Kaya ito kami kanya-kanyang habol do'n sa mga bata at paupo sa kanila. Ang kaso pagkaupo ng isa may lalapitan ka saglit para paupuin tatayo na gad 'yong una mong pinaupo. Gets niyo ba? Ang gulo ko ang gulo din kasi nila eh'! Nako naman disaster.
“Upo!” nagitla kaming lahat sa sigaw na 'yon, lahat tuloy kami napaupo ng wala sa oras. 'yong tipong kung saan kami nakatayo doon na din kami napaupo.
Nilingon ko din 'yong sumigaw si Janaia pala. Patay na badtrip na si Shayshay. Lagot! Natakot ata nang husto ‘yong mga bata. Nakaupo nga sila, natataranta naman sila lahat. Kaya maingay pa rin.
“Oh great!” I heard Janaia sarcastically remarked sabay upo na din parang suko na sa buhay.
Tumawa naman nang pagkalakas lakas si Tristan, kaya napatingin kaming lahat sa kanya. “Natakot kayo? Nagjojoke lang ‘yang bestfriend kong maganda. H’wag kayong matakot. Stay calmed. So let’s partner up na kids.” sabi ni Tristan with huge smile.
BINABASA MO ANG
The Heartless Heartthrob
Teen FictionThe bubbly: Jazlene Ayann Jovero falls for her opposite, the heartless heartthrob: Ashton Dylan Suarez. What happens to their friendship when love starts to interfere? Story Posted: October 11,2013 ON GOING~ VERY SLOW UPDATE: September 28, 2014