Prologue

16.8K 483 16
                                        

Prologue

End


"You're a disappointment, Miro! Hindi ka nararapat sa mga Villaruel! You're a disgrace to this family!" His Dad shouted furiously while pacing back and forth.

He just stared at him bago sumandal sa sofa nila. He's done with this, hindi na bago sa kanya ang galit na panenermon ng ama niya.

"Bakit hindi mo gayahin ang mga kapatid mo?! You're a disappointment, Miro! Bunso ka pa man din!" Sigaw sa kanya ng ama habang dinuduro siya.

He smiled bitterly. Ang mga kapatid na naman niya? Hell yes, they're better than him. Alam na alam na niya iyan, ilang beses na bang ipinamukha sa kanya ng ama niya na isa siyang malaking kahihiyan sa angkan nila.

He knows that very well, siya na ang siga, siya na ang pariwara.

"Ilang beses ka na bang nakick-out sa school mo?! Now, you're going to be the talk of the town! Again! Ilang beses ko bang kailangang magalit sayo para magtino ka!" Pagtutuloy ng ama niya na kunot na kunot ang noo at nabakas niya rito ang galit at pagkairita sa kanya.

"Kumalma ka, Fernan. Ang puso mo." Pagkakalma ng ina sa Daddy niya.

"Paano ako kakalma, Mariel? Tignan mo ang anak mong suwail! Ilang beses ko na bang pinangaralan 'yan pero sumusuway pa rin!" Galit pa ring turan ng ama.

Mula sa pwesto niya ay nakita niya ang dalawang kapatid na nakaupo din sa kabilang sofa habang nakatingin sa kanya. Kerko's busy scrolling on his phone na walang pakialam but Adam, his eldest brother is looking intently at him while shaking his head.

Disappointed, huh? Well, 'yon naman talaga palagi ang karugtong ng pangalan niya.

"Magsalita ka, Miro! What did you do this time? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?!"

"Why do you care?" Maangas at walang modong sagot niya sa ama at dumekwatro pa sa upuan.

He saw his Dad's reaction, mas lalong sumimangot ito at halos mamula na ang mukha sa galit.

"Sumasagot ka?! Kinakausap kita ng maayos kaya sumagot ka ng maayos! Wala kang karapatang bastusin ako!" Napatingin sa kanya ang ina matapos magsalita ang Daddy niya. Her eye's begging him to stop talking back and just tell them the reason kung bakit na naman siya na-kick-out sa school niya.

Earlier that day ay nakatanggap ng notice ang ama niya mula sa unibersidad na pinag-aaralan niya na kick-out na siya.

Well, what's the reason, anyway? Walang iba kung hindi ang pagkayamot niya sa kaklase niyang lalaki na kung makaasta ay akala mo hari.

Nainis siya sa pagmamayabang nito at paninira nito sa sira na niyang pagkatao kaya inabangan niya ito noong uwian para bugbugin.

Walang kalaban-laban ang binata sa ginawa niyang panunugod kaya naiwan itong duguan. He even destroyed his car by breaking the glasses at binutas niya ang gulong nito.

Damn evil, right?

He doesn't give a fuck. That asshole messed up with the wrong guy. Maling-mali siya ng piniling tao na kinalaban.

He felt the relief nang mapaghigantihan ang lalaki pero sa kamalasan nga lang ay may CCTV sa lugar kaya natuklasan ng otoridad ang kalokohan niya.

He was expecting to be on the jail pero ano pa nga bang ginawa ng ama? He used his power para hindi siya makulong and here he is now, being scolded for the nth time by his Dad.

"Ipaliwanag mo 'yung kagaguhan mo! Hindi ka na ba nadala?!" He sighed at hindi pa rin nagsasalita. Hinawakan niya lang ang earphone na nasa leeg niya at pinaglaruan ito.

Damn, he would rather be in jail right now than hearing those tiring bulls from his Dad.

"You're grounded, Miro! Matuto ka!" Natigil siya sa pag-iisip at kaagad na napaangat ang tingin niya sa ama na namumula na sa galit.

"What?" Nagsalubong ang kilay niya.

"You'll stay at your Grandma's at h'wag kang babalik dito ng hindi matino! No allowance for you! Puputulin ko ang cards mo and don't you ever try contacting me!" He groaned at nagulo niya ang buhok.

How come? He's expecting a scold pero hindi ang ma-ground! The fuck in this life! Hindi p'wede!

"Hindi--"

"You will leave tomorrow, Miro Mikael!" Putol nito sa kanya.

"That's the consequences of your actions! Hindi ka na nag-iisip! Hindi mo iniisip ang magiging tingin sa pamilya natin dahil sa'yo! Hindi ka na natuto!" Hinihingal nitong sabi at napahawak sa ina niya.

Pamilya! Iniisip ng iba! Iyon nalang ba ang mahalaga? Ang iniisip ng ibang tao sa pamilya nila?

Mariing ipinikit niya ang mata at mabilis na tumayo mula sa sofa nila. Nilingon niya ang ama niya na nakahawak na sa dibdib sa sobrang pagsigaw papunta sa ina niya na malungkot ang mata habang nakatingin sa kanya.

"Kayo ba, naisip nyo ang nararamdaman ko?" He asked them coldly. Walang emosyon ang mata niya habang tinatanong ito at ang labi niya ay nakapirmi sa isang diretsong linya.

"Miro..." His Mom called him.

"I'm sorry for being a disappointment in this family. Sorry if I can't be like them." Itinuro niya ang mga kapatid na seryoso lang na nakatingin sa kanya.

He stared again at his parents. He loves them pero namanhid na siya. Lahat nalang ba ng oras ikukumpara siya? Lahat nalang ba ng oras mali siya? He's tired!

"Sorry..." He smiled bitterly before turning his back at them, walking without looking back.

As he walked out, alam na niya sa sarili niyang wala nang tatanggap sa kanya.

He's a disappointment, he knows that very, very well. He's lonely but his heart's tough. Hinding-hindi na niya ipagsisiksikan ang sarili sa pamilyang umaayaw sa kanya.

He will just leave for everyone's peace. Mas ayos na masira niya ang sarili niya kaya sa pamilya niya ang masira dahil sa kanya.

He will leave for good. Maybe start a new bullshit life or maybe he can just end it.

Die. That's it.

The Angel's MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon