Minsan, kailangan mo nalang ngitian ang ibang mga seryusong bagay para mapagtakpang nasasaktan ka na. 💔
I fall even if it's wrong. Napakalaking mali ang mahulog sa taong walang kasiguraduhang sasaluhin ka. Ako yon! Nagawa ko ang maling yon. 😔
- hayeinna.
----
"Okay, Bye."
Nilapag ko ang phone ko sa study table matapos kong i-off at nagbasa ulit ng isa sa mga paborito kong libro.
This is my same usual day. Gigising ng maaga, maliligo, kakain at magbabasa, minsan magsusulat ng istorya pag may ideya. Ganun lang, nothing's special. Nakakabagot!
Ilang minuto lang tumunog ulit ang phone ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa study table at tiningnan kung sino ba itong nang didisturbo na naman sa pagbabasa ko.
I open my phone at logo ng instagram ang naka register sa notification nito.
"Shey, nasa baba na si Conie. Papapasukin ko na ba?"
Nabaling ang atensyon ko sa pintuan ng kwarto ko. Hay naku naman talaga! Di na naman kumatok.
Mama's not around. Ako lang at si manang ang tao sa bahay kaya ayokong lumalabas, mas lalo lang nagiging boring pag wala si mama, e. Siya lang 'yong umiintindi sa akin, I mean siya lang 'yong nakakaintindi sa akin. Kaya kinukulong ko ang sarili ko sa study room ko when she's not around.
We're not rich, we're just in the middle class. Yong tipong sakto lang.
"Ah, sa susunod na araw nalang po siguro ako magpapalinis, manang, nagbabasa po kasi ako ngayon." sabi ko sa kanya. Hala! Ngayon pala yong schedule na pagpapalinis ko ng kuko? Nakalimutan ko.
"Oh, sige!" aniya tsaka umalis at sinarado ang pinto.
Binaling ko agad ang atensyon ko sa cellphone kong hawak-hawak ko pa.
"May nag message?" tanong ko sa sarili ko.
I'm not expecting any messages from anyone now.
I click the instagram logo and go to message area.
@humphrey_wes: hi 😊
"What's this all about?" tanong ko ulit sa sarili ko. Napatampal nalang ako sa noo ko ng mapansing ako rin naman pala ang sasagot sa mga tanong ko.
Di ko pinansin ang message na 'yon. Katulad din naman 'yan ng iba eh. Hi sa simula, goodbye sa huli so what's the sense of entertaining, right?
Nilapag ko ulit ang phone ko sa study table at nagsimula na ulit magbasa.
May mga bagay lang talaga na sadyang di mo kayang matiis... tulad ngayon.
That "hi" of a guy bothered me so much. Don't get me wrong, there are a lot of "hi" inside my inbox but then this guy's hi really are different.
What makes it different then?
Di ako makabasa ng maayos kaya sinarado ko nalang ang libro at nilapag sa study table tsaka kinuha ko ulit ang phone ko. Dumiretso akong kama para mahiga.
I'm just thinking if this guy is having his play time kaya napadpad sa inbox ko ang message niya?
@prettyshey: hello
I replied.
It took him long enough to reply.
@humphrey_wes: San ka nag-aaral?