The Day We Met - Jong Dae

38 4 0
                                    

THE DAY WE MET-  CHEN

Hindi ko alam na isang araw mapapagod na ako.

Na asarin ka at makipag away na lang sayo.

Hindi ko inaasahan na mapapagod ako sa kagaya mo.

Oo na suko na ako.

Pagod na pagod na ako. Kaya mas pinili ko na lumayo na lang sayo. Pero ang pag layo ko pa lang iyon ang mapapagparealize sakin. Kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.

Story⬇⬇⬇⬇⬇

Simple lang naman ang pamumuhay ko noon. Tahimik. Maayos. Basta normal lang. Pumapasok ako ng hindi pinagtsitsismisan. At hindi iniirapan.

Pero dahil mo nagbago lahat iyon. Wait let me rephrase that dahil nyo pala iyon. Takte kung kelan graduating ma ako tsaka nag kanda letse letse tong buhay eskwela kng dahil sa inyo.



Isang araw naglalakad ako papuntang cafeteria. Barakong barako ang lakad ko. Nakacap pa nga ako eh. Pake ko ba ayaw kong maging PABEBE eh. Ayaw ko rin na maging gurly masyado. Ultimo pulbo doon pulbo dine puting puti ng mukha pero ung leeang itim. Duh. Kaaani lang. Tapos ung iba di pa nakuntento gunagawa ng sariling painting sa mukha. Make up doon make up dine. Tsk. Kala mo naman may nagbabago wala naman eh.

Palinga linga ako sa paligid para humanap ng mauupuan. Bwiset puno ang cafeteria. Aalis na sana ako ng mapansin kong may grupo ng kalalakihan na umalis dun sa may padulong table agad akong pumila at bumili ng pagkain.

Pagkatapos ay nagdere deretso ako dun sa table. Baka naghahanap kayng friends ko sorry ah wala kase. Loner ako eh. Puro pabebe ang mga kaklase kong babae kaya ayaw ko. Tss. Choosy ako.

Ng matapos akong kumain may biglang lalaki na dumagil sa likod ko. Nagsorry naman sya dahil di nya sinasadya. Oh keyii mabait naman ako eh.

Kaso  bakit parang pinagtitinginan ako. Psh.

Mamaya maya pa ay may sumigaw ng

"Hanla girls!!!Nagkakameroon din pala ang tiboom"alam kong ako yung pinaparinggan nila. Tss. Di ako tomboy. Boyish lang talaga ako. Lol.

Nagderederetso ako sa paglalakad ng bigla akong hinarang ng isa sa Exotic Era na si Chanyeol. Sabay bulong nang
"If you have a period kindly keep it to yourself hindi ung pati panghihingi mo ng napkin ay ipagkakalat mo pa. Tss."

Sabay kindat sakin. Tangne. Ano daw period ??? Eh kakatapos ko lng last week ah tsk.

"Ano to patingin nga" tapos paranh may hablot sa likod ko. Hinarap ko kung sino yun at si Chen. Sa laht ng members ng Exotic Era yan ang pinakamakulit. Pinakamaloko. Pinakamaprank. At pinakagwapo. Choss ierase nyo ung panghuling nabasa nyo kasi hindi yun totoo.

At nakita ko syang hawak hawak ung papel na may nakasulat na
"Do you have an extra???" Tapos may arrow down.

"Ikaw ba ang may gawa nyan ha?"tanong ko sa kanya.

"Hey Miss Im so Downy Innocence"sabi nya.

Anong kinalaman ng fabric conditioner sa usapan namin na ito. ?

"Pffft hahaha Chen talaga wag ka nang manunuod ng patalastas ng downy ha nahahawa ka eh" sabi mi Baekhyun

"Oo nga pre hahaha. Miss inosente daw sya hahaha" sabi naman ni Chanyeol.

Ahhhh ganun. Pero pffft hahaha. Kakatawa talaga sya. Pero poker face pa ren ako.

"Eh bakit nakalagay yan sa likod ko???" Baling kong tanong sa kanya.

EXO ONE SHOTSWhere stories live. Discover now