THE LIGHTHOUSE - SEHUN

27 3 0
                                    


A Romance and Slight Horror One shot Story of Sehun

"The Lighthouse"

-Simula

"Halika tutulungan kita" sabi ko sa kanya ngunit umiling iling lamang sya. Duguan na sya. Malala ang saksak na natamo nya kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ramdam ko papalapit na sya.

Bakit ba kasi kami napunta rito? Ayoko na. Napahagulhol na lang ako ng iyak. Hinaplos naman nya ang likod ko para pakalmahin ako. Sa pagtigil ng iyak ko narinig ko ang tunog ng bakal na anakimoy ikinikiskis sa pader. Malapit na sya. Maririnig mo ang tunog ng takong ng sapatos nya.

"Halika ka na" sabi ko sa kanya muli ngunit umilibg sya.

"Mauna ka na" sabi nya

"Hindi kita iiwan dito" sabi ko sa kanya.

Mamaya maya pa ay bigla na lang may bumato ng patalim sa likod ko. Naandito na sya. Agad akong tumayo . Pero babato nya ako ng patalim sa kanang paa.

"Argh!" Sigaw ko dahil sa sakit. Binato naman sya ng kasama ko ng patalim at sinabing

"Marj tumakbo ka na"Sigaw nya. Hindi ko sya mamukhaan gusto ko pa sana syang tulungan ngunit wala na akong oras. Kaya sinunod ko na lang ang sinabi nya tumakbo ako ng tumakbo.

Bawat hakbang ng paa ko ay may naririnig akong hakbang na nakasunod. Kaya nagtatakbo na ako. Bahala na kung saan ako daldalhin ng mga paa ko. Habang papalapit ako sa isang kwarto nawala ang mga hakbang na nakasunod sakin. Sa pag linga linga ko ay nadapa ako.

Kinapa ko ang dahilan ng pagkakadapa ko. Bukas sindi ang ilaw sa parteng iyon kaya naaninag ko iyon pero laking gulat ko ng iyon pala ay
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.

Babaeng warak ang tyan nakalabas ang bituka ngunit mapapansin mo sa bandang dibdib ma wala na ang puso nito.

Napapitlag ako sa nakita ko. Kaya agad akong nagtatakbo muli. Paika ika na ang lakad ko. Kailangan ko mg maayos ito at makabalik sa tunay na dimensyon.

Nagpalinga linga muli ako. Nawala ang mga hakbang na nakasunod sakin. Pero pagharap ko mukha nya ang nakita ko. Ipinukpok nya sakin ang tabla ng kahoy na hawak nya.

Ang huli kong narnig ay

"Mi aquersit doujertyx cymnbuok"







"Marj rise and shine may pasol pa tayo. So gora na" sabi mi Dianne

Napabuntong hininga na lang ako ng malaman ko panaginip ang lahat. Naghilamos muna ako ngunit ng akmang titingnan ko ang mukha ko sa salamin. Ibang mukha ang nakita ko. Napaurong ako at namalik mata. Ang babaeng iyon.

Natapos kaming magslmusal ni Dianne pagkatapos niyon ay kanya kanya na kamibg gayak papasok ng eskwela.

Habang papasok ako ng campus nakaramdam ako ng ibang panlalamig, di ko rin naman akam kung bakit. Luminga linga ako sa paligid pero wala akong nakitang anumang kakaiba. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang ss nakabunggo ko ang matandang vendor sa labas ng campus.

"La, pasensya na po ha. Di ko po sinasadya" pahihingi ko ng paumahin

"Okay lang Ineng. Pero ineng tandaan mo may pagsubok na darating para sayo ihanda mo ang sarili mo" sabi ni Lola tsska umalis na.

Hanggang sa pagdating ko sa Classroom un paren ang iniisip ko. Ano kayang ibig sabihin nun? Mamaya maya pa ay dumating na si Prof. Salvador. Paniguradong sya naman ang magbibigay ng thesis hayss buhay college.

EXO ONE SHOTSWhere stories live. Discover now