Chapter Two - TWRHS: (Mysterious)

20 0 0
                                    

"Nakakaintriga talaga si Natasha Kate Clemente,'no?" Komento ni Aaron, isa sa mga barkada ni paolo sa university.

"Maganda sana siya , pero parang takot siya sa atin."

Nasa quadrangle sila at nanonood sa ilang estyudanteng naglalaro ng volleyball para sa kanilang P.E class ng mga ito.

"Syempre Lalayo Sa Atin yon, kasi alam niya na tayo ang Campus Crush eh ayaw niya sa mga tao at Hate Niya Tayo Dahil Masyado tayong mayabang. Di ba hindi naman totoo yun?" Sapantaha'ng kasama nilang si Wilson.

Nagtawanan ang mga ito,pero hindi si Paolo.

"Kayo talaga, kung anu ano kalokohan ang iniisip niyo roon sa tao." Naiiling na sabi niya.

"Nakakaintriga kasi siya, eh. Aloof' sya at masyadong tahimik." Komento naman ng isa pang kasama nila na si Matt. "Ni wala siyang kaibigan dito sa campus."

"Mahiyain lang siguro siya," aniya.

"Besides, transferee siya rito. Tiyak na naghahanap pa siya ng mga bagong kaibigan makakasundo niya."

"Sayang, type ko pa naman," ani  Aaron.

"Type mo pala, bakit hindi mo lapitan at kaibiganin?" Sulsol ni Wilson

"Oo nga naman. Pasukan mo, Aaron,"udyok pa ni Matt.

"Not A bad idea," nakangising pagsang-ayon naman ni Aaron.

"Alisin mo ang pagiging mahiyain at aloof niya," sabi pa ni Wilson.

"Pero baka masira ang magic mo sa babae sa Natasha na'yon tol," sabi ni Matt "Mukhang hindi siya tulad ng ibang babae madaling makuha."

"You're underestimating me,'tol. Para namang hindi mo kabisado ang lakas ng kamandog ko sa babae. At hindi si Natasha Kate Clemente lang ang sisira sa record ko. Titiyakin kong sa second date pa lang, bagsak na ang 'Bataan," ani ni Aaron na sinundan ng paghagalpak ng tawa ng tatlo.

Muli ay hindi nakisama si Paolo sa pagtatawanan ng mga ito. Sinasakyan na lang niya ang trip ng mga kasama niya. High School pa lamang kasi ay kaibigan na niya si Matt kaya naging kabarkada na rin niya sina Aaron at Wilson.

"Huwag n'yo ngang pag-trip-an si Natasha. Nananahimik'yong tao," sa halip ay saway niya sa mga ito.

"Relax ka lang,'tol. Mag o-offer ako ng friendship sa kanya. Maganda  naman ang intensiyon ko, hindi ba?"

Paliwanag ni Aaron.

"Baka naman pinagti-trip-an n'yo lang'yong tao,ha." Walang kangiti-ngiting sabi niya sa nagbabalang tono.

"Susubukan ko lang pasukan,'tol. Kung hindi naman kakagat,hindi ko ipipilit ang sarili ko,"

"Kung Balak mo lang siyang lokohin, huwag mo nang pasukan. Kawawa naman'yong inosenteng tao,"

Paalala niya kay Aaron bagama't siya man ay naiintriga kay Natasha. Ngunit naramdaman niya lang na may malalim na dahilan ito . Gusto niyang makilala ito ng mabuti.

-

-----------------------------------------------------------

(This Scene Is For 18 above . You Can Skip If You're Not 18 above . Cuz It's Bed Scene. So Please.): Author's Note

_♡___♡____♡____♡_____♡_____♡____♡__

Nagdilat ng mga mata si Natasha nang maramdamang hindi na siya nag-iisa sa silid niya.

Kasunod niyon ay isang kamay ang marahas na sumunggab sa mukha niya. Mariing sinil nito ng halik ang magkabilang pisngi niya. Pinilit niyang kumawala mula rito pero hindi niya magawa. Pinilit niyang alisin ang kamay nito sa mariing pagkakahawak sa mukha niya ngunit hindi niya matinag iyon. Tila bakal ang mga kamay nito. Madilim sa loob ng kuwarto niya, hindi niya maaninag ang mukha ng lalaking nakaibabaw sa kanya.

The White Rose's Hearts Of a Senorito 1( Demetrio )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon