Chapter 6

341 8 0
                                    

Maaga siyang dumating sa coffee shop kung saan sila magkikita ni Caress. Ito ang tumawag kagabi kung saan naputol ang halikan nila ni Suzette. Aaminin niya, nainis siya dahil naistorbo sila ni Suzette ngunit mas mabuti na rin sigurong natigil sila dahil baka kung saan pa napunta ang tagpong iyon. Pero gusto niyang hinahalikan ang mga labi ni Suzette. Pakiramdam niya ay ito na ang pinaka-malambot na labing natikman niya. Ang matamis na labi nito ay nagbibigay buhay sa natutulog niyang damdamin. Ni hindi niya ito naramdaman noon kay Caress.

Naputol lamang ang pag-iisip niya tungkol kay Suzette nang may nakatayo sa kaniyang harapan at agad niya itong tiningala. "Hi, Seph."

Tumayo siya at pinaupo muna ito. Pagkaupo ng babae ay umupo na rin siya. Strange. Dati ay sabik siyang muling makita ito ngunit ngayon ay parang mas gugustuhin na lamang niyang matapos ang pag-uusap nila. "What do you want?" una niyang tanong dito na ang tinutukoy ay kung ano ang order nito. Hindi pa rin nagbabago si Caress. Maganda pa rin ito. Makinis pa rin ang balat at ang mukha nito, mapagkakamalan mong isa itong manika dahil bilugan ang mga mata nito at tama ang kurba ng mga labi nito. Maliit din ang ilong na bumagay naman sa bilog nitong mukha.

"The usual." Iyon lang at nakuha na niya agad ang gusto nito. Tumayo muna siya at um-order sa counter. Nang bumalik siya ay may kausap na si Caress sa telepono. Ngumiti pa ito sa kaniya habang nakikipag-usap. "Yes...oh, I like that... sure sasama ako...sige, mag-uusap lang kami sandali then babalik na ako... okay, bye... I love you..." nang maitago ni Caress ang cellphone nito ay saka lang muli itong bumaling sa kaniya. Hindi niya ikakaila na narinig niya ito dahil hindi naman lumayo ang babae sa kinauupuan nito.

"Ah, Caress..." panimula niya. Ngunit hindi naman niya alam ang sasabihin dito. Ano nga ba ang sasabihin niya at nakipagkita siya dito? Ang kumbinsihin na bumalik ito sa kaniya? Pero bakit tila nag-iba na ang gusto niya? Siguro tama nga ang mga pangaral ng kaniyang kaibigan. Na kung mahal niya talaga ito ay pakawalan na niya ito. Pero sa tagal ng panahon na kinukumbinsi siya ng mga ito, ngayon lamang siya nakapag-isip isip.

"Ah Seph, please. I know I've caused you so much pain, but I am begging you to just let me go. And I'm sorry. Alam ko hindi sapat ang simpleng sorry lang pero sana maintindihan mo. Maniwala ka man o hindi, minahal kita. Pinilit kong mahalin ka hanggang huli pero puso ko ang sumuko. Huwag mong isipin na may mali ka dahil wala. Nasa iyo na lahat ng pinapangarap ng isang babae. Ngunit ang puso ko ay hindi ko napigilan at nagmahal ako ng iba. I know it's wrong, dahil tayo pa noon hanggang sa umabot pa sa mismong kasal natin. Pero kung itinuloy ko ang kasal, mas magkakasala ako sa iyo dahil may mahal na akong iba." Mahabang sambit ni Caress. Ngayon parang mas maliwanag na sa kaniya ang lahat at sinabi na ni Caress sa kaniya ang mga dahilan nito. Saglit niya itong tinitigan at bumuntong-hininga. Dapat ay matagal na niyang ginawa ito, ang makipag-usap upang magkaroon sila ng closure na dalawa.

"You're right. I need to let you go. Para pareho na tayong matahimik. And I also want to say sorry. Dahil sa akin, nag-aaway kayo ng boyfriend mo. But you can't blame me. Alam mong nasaktan ako ng sobra sa ginawa mo. Alam mo kung gaano kita kamahal. I love you that's why I'm letting you go. At sana, hindi na kayo mag-away pa ng boyfriend mo. Dahil kapag nakita kong umiiyak ka dahil sa kaniya, hindi ako magdadalawang-isip na kunin ka sa kaniya."

Nanlalaki naman ang mga matang tumingin si Caress sa kaniya dahil sa huling pangungusap niya. "Joseph?"

Natawa naman siya. "I'm just joking. Alam ko naman na hindi maiiwasan ang magkaasaran ng hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon, at ang nais ko lang naman ay maging masaya ka sa piling niya. At sa nakikita ko naman ay masaya ka nga." Paliwanag naman niya. Para siyang nabunutan ng tinik. Ngayon, masisimulan na rin niya ang buhay niya. Ang buhay na wala si Caress sa kaniya. Oo, pinapakawalan na niya ito, pero hindi ibig sabihin nito ay wala na siyang nararamdaman para dito.

The Way I Loved You 4 (Joseph & Suzette's Curse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon