Massimo
Tatlong oras na akong mukhang baliw dito sa kinauupuan ko. Kahit oras ng klase ay hindi ko magawang maituon ang atensyon ko sa gurong nag tuturo sa unahan. Paano ba naman kasi may isang distraction sa tabi ko. Distraction na kahit isang beses ay hindi mawala wala sa isip ko. Distraction na unti unting nagpapayanig sa buong pagkatao ko na hindi ko namalayan nakapasok na dito sa puso ko.
Sinong tinutukoy ko? Sino pa ba? Ang nag iisang demonyita sa buhay ko na ngayon ay tahimik na natutulog sa upuan niya. Ayos din ang isang ito. Hobbies talagang matulog nito sa oras ng klase.
Kanina ko pa siya pinapanuod dito. Ewan ko ba. Hobbies ko na rin yata na pagmasdan siya habang natutulog.
Napailing iling nalang ako sa mga tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa dinami dami ng babae sa mundo. Sa isang ito pa ako nagkagusto. Yes, i admit. I like her.
Hindi naging madali para sa akin na aminin sa sarili ko na gusto ko na nga siya. Feeling ko magkakasakit ako sa pag iiisip sa babaeng ito. Hindi ko kasi matanggap na mahuhulog ng tuluyan ang loob ko sa kaniya.
Paano ba naman kasi, wala sa kaniya ang mga qualities na hinanap ko sa isang babae.
Gusto ko sa isang babae yung mala anghel yung mukha pati pag uugali. Hindi ka tulad niya, anghel nga ang itsura. Napaka demonyita naman ang ugali.
Napaiwas ako ng tingin nang biglang magmulat siya ng mga mata. Saktong napatingin siya sa akin. Dahil ayokong mahuli niya akong nakatingin sa kaniya ay kaagad akong napaiwas ng tingin.
"Tss, huwag mo nga akong titigan." Narinig kong sabi niya.
"Asa, hindi kita tinitignan." Mahinang sabi ko na hindi man lang siya pinagmamasdan.
"Sige tanggi pa,mapapagod ka rin." Sabi ng isip ko.
----------------------------
"Wala ka bang balak mag lunch?" Tanong ni Uno sa akin.
Tumango ako bilang sagot.
"Kung wala kang balak kumain. Pwes ako, mayroon. Kaya mauna na ako saiyo, 'ha?"
Akmang lalakad na siya paalis nang may maalala ko. Hinigit ko isang braso niya dahilan para kumunot ang noo niya sa akin.
"Mamaya na. May itatanong lang ako."
Kasalukuyan kaming nasa classroom. Oras na ng lunch ngayon pero nandito kami dahil may mahalaga akong sasabihin sa kaniya. Tungkol nga sa problema ko. Hinintay ko lang na mag si-alis ang iba namin bago ko senyasan si Uno na mag paiwan.
Sa limang ka-grupo ko. Si Uno ang masasabi kong pinaka matino kausap. Kaya nga sa kanya ko napili na sabihin ang mga nasa isip ko ngayon.
"Ano ba iyon?" Naiinip na tanong niya.
Luminga linga muna ako sa paligid bago ko naisipang sabihin sa kanya.
"Bro, naranasan mo na bang ma-distract dahil sa isang tao?"
Kitang kita ko kung paano kumunoot ang noo niya sa sinabi ko.
"What do you mean?" Takang tanong niya.
"Iyong feeling na hindi ka mapakali kapag nasa malapit lang siya. Iyong feeling na para kang mababaliw kapag hindi mo siya nakita. Iyong feeling na naiinis ka kapag hindi ka man lang niya pinapansin at iyong feeling na sasabog ka sa gal-------"
Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kung nagpipigil na siya ng tawa. Napasimangot naman ako.
"Uno, I'm serious."
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia3- (Jorou /The 10th Capo Bastone)(REVISING)
ActionTahimik, cold hearted, mabilis mairita at suplada. Ilan lang yan sa pag uugali na mayroon si Jorou. Ang ika-sampung Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Sa ugali niyang ito, bihira siyang lapitan ng kung sino. Kahit nga kaniyang mga kasamahan ay nil...