LOVERS. CHEATERS. FINDERS.

107 3 0
                                    

LOVERS. CHEATERS. FINDERS.
Intro



Dear Diary,

Nasaan ako?

Hindi ko alam kung ano ang pinasok ko.

Alam ko nanloloko ako ng ibang tao.

Pinaniniwala ko silang isa ako sa kanila.

Yan yung plano eh dapat ituloy ko lang.

Yan ang napagkasunduan.

Isa lang naman ang gusto kong mangyari kaya ko ito ginagawa eh.

ANG MAKAPAGHIGANTI.

Pero wala kayong karapatang husgahan ako dahil mas matindi pa ang ginawa nila sa buhay ko kaysa sa ginagawa ko sa kanila ngayon.

Pero bakit sa tuwing nararamdaman ko ang pagmamahal nila sa akin na giguilty ako?

Bakit parang unti unti nang lumalambot ang puso ko sa bawat isa sa kanila?

Pagkat saksi na ako sa bawat segundo ng buhay nila.

Saksi ako sa buhay ng mga lovers, cheaters, at finders sa kanila.

May pag-ibig na nabuo sa isang pagpapanggap.

May isang pag-ibig na mapagpanggap.

May lihim ding umiibig at nagpapanggap na wala siyang nararamdaman.

At ako?

Ang buong akala nila hindi ako sa katulad nila, na totoo ako. Walang bahid ng kasinungalingan.

Nagkakamali sila.

Isa rin ako sa nagpapanggap.

Natatakot ako.

Paano kapag nalaman nila?

Ano ba itong pinasok ko.

Bakit ganon?

Hindi ba't dapat matuwa ako sa nangyayare?

Para makapaghiganti man lang ako?

Gulung-gulo na ako.

-Kimberly

A/N:
Hindi po ito karugtong ng Chapter One. Yung diary pong ito ay bahagi ng story na inilabas ko lang agad para magka-idea na kayo. Sana ituloy niyo lang ang pagbabasa. Salamat :)

LOVERS. CHEATERS. FINDERS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon