Chapter One

95 3 0
                                    

Chapter One
First Heartbreak

(NARRATOR'S POV)

"Sawang sawa na ko sayo Kimberly. Lagi mo nalang inuuna yang God mo! Sa sobrang excited mo sa camping nyo nakalimutan mo na monthsary natin ngayon? Anong klaseng girlfriend ka?! Sabihin mo nga sakin, sino ba talaga ang minahal mo? Ako o yang God mo?"

"Julles naman eh! Syempre si God at hindi naman pwedeng mas higit pa ang pagmamahal ko sayo Sa totoo lang, si God ba talaga pinagseselosan mo o si James? Simula lang nalaman mong naging ka church mate ko siya nagkaganyan ka na! Sabihin mo nga sa kin, ano ba ang atraso ng James nayan sayo at ganyan ka react!"

"Hindi to tungkol kay James! Tungkol to sayo! Hindi naman masamang sumali dyan sa kung ano man ang ginagawa mo pero sobra ka na eh. Hindi naman yata si God ang inaatupag mo e."

"Kasi ang iniisip mo si James na naman ang inaatupag ko tama?"

"Edi ikaw narin ang nagsabe! simula lang naman ng masali ka dyan lagi na tayong away. Mas mabuting umalis ka nalang dyan. sige nga pumili ka, yang mga kaibigan mo o ako?"

"Ano bang klaseng tanong yan Julles!"

"See, ni hindi mo man lang kayang mag give up ng isang bagay para sa realationship natin! Ngayon, mas pinatunayan mo sakin kung bakit dapat na kitang iwan!!"

"Julles, pag usapan naman natin to oh"

"Wala na tayong dapat pag usapan Kim. I heard enough. Ineed space."

At heto na naman sila. Sino ba namang boyfriend ang matutuwa kapag nalaman mong nakalimutan ng girlfriend mo na anniversary nyo ngayon? Hindi lang naman ito ang una nilang pagtatalong malupet. Minsan maliit na bagay lang na biglang lalaki. At ang isa sa pinakamalaking pag aaway nila ay ang unang pagkalimot ni Kim ng anniversary nila dahil din sa church nila. At tama ka, pangalawang pagkalimot na ito ni Kimberly.

Nagsimula ang mga madalas na pagtatalo nila nang malaman ni Julles na naging magkaibigan sila ni James. Mainit ang dugo niya dito. Bagay na hindi alam ni Kim. Kapag tinatanong naman nito si Julles kung bakit ayaw nito kay James ay hindi ito umiimik.

Napakaseloso ni Julles kung kaya't ayaw niyang may lumalapit na lalaki kay Kimberly. Kaya nga maging ang bestfriend nito dating lalaki ay ipinalayo sa kanya. Puro mga babae nalang ang nakakasalamuha nito maliban kay Julles at mga churchmates nito. Simula nang malaman nitong magkaaroon ng camping sa church nila ay mas nag init ang ulo nito. Kahit na anong pilit ni Julles na wag itong padaluhin ay hindi nagpapaawat si Kim. Once in a lifetime lang ito kaya ayaw na nya itong palampasin.

"Space? Julles naman eh. Wag na nating palakihin to."

"Anong palakihin? Malaki tong problemang to! Hindi mo ba iniisip na relasyon natin nakasalalay dito! Tapos ano, wala ka paring pakialam? At tingin mo. Maliit lang ang problemang ito na pinapalaki ko lang?"

"Julles naman eh. Bakit ba kasi napakaseloso mo? Hindi ko naman napapabayaan yung relationship natin ah. Tell me, ano ba talagang problema mo!"

"Problema ko? Ang dapat na tanong dito ay ano bang problema mo! Ni minsan hindi ko naramdaman ang pagpapahalaga mo sa relasyon na to. Kimberly, grow up!! Hindi ka na bata para ipaliwanang pa sayo isa isa yung mga pagkukulang mo. Alam mo yun!!!"

"Sabihin mo nga Julles? Ano pa bang dapat kong malamang nagawa ko na pagkukulang sa pesteng relasyon na to!"

"Oww. So all this time hindi mo pa alam ang pagkukulang mo sakin? Sabagay, ang tingin mo sa sarili mo lagi kang tama. Na walang pagkukulang. Ang tingin mo sa sarili mo perpekto ka. Ang Ariel 7.50 nalang, ang Tide 6.00 nalang. Pride mo nalang talaga."

LOVERS. CHEATERS. FINDERS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon