Chapter Two

78 3 1
                                    

Chapter Two
The Truth

(KIMBERLY'S POV)

"Ano na naman ba yan. Simula ng namatay ang mga magulang mo napapabayaan mo na ang pag aaral mo. You shuould do your responsibilities kahit wala ng sumsubaybay sayo. Kimberly mag concentrate ka nga! Wag mo namang sirain ang buhay mo letseng pagibig na yan! Ang bata mo pa!" Nanggagalaiting sermon ni Mrs. Cruz. Teacher ko at tita ko rin siya. Kapatid siya ni Mama. Sa totoo lang wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi ng matandang hukluban na ito. Habang nagsasalita kasi siya ay lutang parin ako.

"Kim, nakikinig ka ba?"

"Opo," inosente kong sagot. "Pero wala po akong naiintindihan sa mga sinasabi niyo."

"Jusko naman! Nagbago ka na talaga! Hindi porket kamag-anak mo ako lage ka nalang ligtas! Isususpinde na kita. Tutal matagal narin kitang pinagbigyan." Umuusok ang ilong nito habang nagsasalita. Sa totoo lang, mas natutuwa ako na isususpinde niya ako. May panahon na ako para makapagliwaliw at makapag move on. Hindi ko kasi siguro kakayanin na habang nagmu-move on na ako ay makikita ko siya sa school. Mahihirapan ako.

"Pinagbigyan na kita. Magsimula ka nang magpaalam sa mga kaklase mo at mamimiss mo sila. One week ang suspension mo."

YES! One week! Sapat na yun para makapagshopping, gumala at magwaldas ng pera. Alam kong nakapagtataka at natutuwa pa ako eh running for Valedictorian ako. Mag-iintramurals naman kasi sa school namin for 3 days so mga 2 days lessons lang naman ang mamimiss ko.

Matapos ng walang kwentang usapan namin ni Mrs. Cruz ay iniabot na niya sa akin ang isang form. Hindi ko na binasa kung ano ang nakasulat dahil alam ko namang tungkol to sa suspension ko para may katibayan.

Pagbalik ko sa room. Bumungad sa akin ang bestfriend ko- Si Khate. "Oh, bruha, kamusta? Anong balita? Kakapasok mo lang, sermon agad sa tita mo inabutan mo ah."

Ibinaba ko na ang bag ko at umupo muna kami bago namin ituloy ang usapan. "Nakakatawa nga eh. Ang ganda ng pagwewelcome sakin. At kakabalik ko na nga lang, paaalisin agad ako."

"Hala! Bakit girl?!," biglang nanlaki ang mata nito. "Kick out ka na? Ang OA naman nila, umabsent lang patatalsikin ka na?"

Bigla akong natawa ng bahagya. "Gaga! Paaalisin, hindi patatalsikin! Ikaw yung OA dyan eh. Sinuspinde lang ako ng one week."

"So anong plano mo? Magliliwaliw ka?"

"Yes! Sama ka? Dali samahan mo akong umabsent" with beautiful eyes ko pang sinabi sa kanya yan. Kapag kasi humihingi kami ng favor sa isa't isa hilig naming gawin yan.

"Eh?," sabay taas niya ng kilay. "Edi pagbalik ko ako naman ang isusupinde ni Mam! Eto di nag-iisip."

"Wow ang talino mo naman!!!" I said sarcastically. "Sa tingin mo ba isusupinde ka agad ni Mam? Kaya lang naman ako pinarusahan kase marami na akong violations. Sabihin mo nalang kase nagkasakit ka."

"Osige na nga. Pasalamat ka hindi ako interisado sa Intramurals na yan. Sige sasama na ako." At bigla niya akong pinakitaan ng isang weird smile.

"Oyy! Ano ba itigil mo nga yan kinakabahan ako sayo. Makangiti ka para kang papatay."

"Hahahahahaha. May napapansin lang kasi ako sayo."

"Ha? Ano yun?"

"Napansin ko kasi ang saya mo na agad. Para kasing nakapag move on kana eh. Bakit? Okay na ba ang puso mo?"

"Hindi pa no." Bigla nalang akong nalungot nung sinabi niya yun. Nagflashback na naman kasi lahat eh. Bigla nalang may tumulong luha mula sa mga mata ko. "3 days palang ang nakakalipas nang magbreak kame nakamove on na ako agad? Masaya lang ako. Yung utak ko. Pero yung puso ko ang lungkot. Ang bigat. Lalo na siguro pag nakita ko siya, mas bibigat pa to. Kaya mainam narin na nasuspend ako para di ko muna siya makita."

LOVERS. CHEATERS. FINDERS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon