----
1st kiss
"huhuhuhuh...bakit?! ano'ng ginawa kong kasalanan at nagkaganun siya?!"-ako habang naiyak at ginugulo ang buhok na parang luka
nandito kami sa tambayan sa likod ng iskul..
"best, wala ka namang ginawang kasalanan. sadyang ganun lang siya."-Kyle habang nitatap ako sa may balikat
bakit? bakit ba kasi nagkaganoon siya? T____T
"hay nako best. lumipat ka na lang dun sa isa. malay mo naman hindi bakla yun di ba?"-Kyle
"pero.. ang kyut kasi niya.. para siyang bata..*pout*"- ako
hays.. bakit kasi uunti na lang ang mga poging lalake na totoong lalake?...
"ay nako best. tigilan mo nga ako, dami dyang pwedeng maging crush..dun ka kasi sa nakikita mo sa personal, wag sa artista"-Kyle
+Kyle's P.O.V
"ay nako best. tigilan mo nga ako, dami dyang pwedeng maging crush..(bakit hindi na lang sa akin di ba?) dun ka kasi sa nakikita mo sa personal, wag sa artista"-ako
napaka naman tong bestfriend-slash-crush ko, sa artista pa nagkacrush tas kung makapag-isip wagas...
damdamin ba naman daw ang pagladlad ng crush niyang artista..
walanjo talaga to..
"crush! bakit?! huhuhuhuhuh..."-Nala
(T____T)-siya
(-_-)-ako
ayst! ano ba problema nito sa utak? tsk tsk.
pero kahit ganyan yan, hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya simula nung makita ko siya..
nalove at first sight ako sa kanya..
ang kasimplehan niya ang nagustuhan ko..masaya siya kasama.. madali mapatawa at sobrang kulit niya..
nangingibabaw siya sa grupo niya nuong mga oras na yun.. sa tuwing ngingiti siya napapangiti din ako..
para akong timang na ngumingiti mag-isa, pinagtitinginan na nga ako ng mga tao eh pero wapakels..
naging kaibigan ko siya ng ipakilala siya sa akin ng pinsan kong babae..kaklase niya pala siya at medyo close sila..kaya ayon natupad ang panalangin ko na maging kaibigan ko siya..
at ngayon naging bestfriend ko pa.. sana naman next level na 'special friend' na then ayun 'girlfriend' na.. gets? hahahaha!
(jale: luh? nahawaan ka na ni Nala. wagas kung makapag-isip.)
tse!.. shoo! layas ka nga dito..
(jale: bahala ka nga dyan. makalayas na talaga)
buti naman.
bigla siyang tumayo...
"bakit best?"-ako
"best..sa tingin ko.. may bago na akong crush..."-Nala
unti unting ngumiti ang aking mga labi..
eto na ba yun? natupad na ba yung panalangin ko na maging crush na nya ako at maging special friends kami?
bigla niyang itinaas ang kanyang kanang kamay at may tinuro sa malayo
"siya.. siya ang bago kong crush"-Nala
ouch..
akala ko ako na..
------