Kabanata II

9 0 0
                                    

-LUCY-

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng isang halik.

"Ina.." saad ko atsaka bumangon para harapin ang aking ina.

"Masarap ata ang tulog mo aking munting prinsesa."

"Ang ingay kasi kanina ng tatlong tutubi, kaya pinalabas ko na lang sila at naisipan matulog."

"Ngunit hindi ka pa kumakain."

"Hindi pa din po ako nagugutom, ina."

"Gusto mo ba dito muna ako magpalipas ng gabi?"

"Gabi?" agad ako napatingin sa bintana, hindi ko naman namalayan na gabi na pala.

"Paano po si ama?" magalang kong tanong.

"Yun din ang nais niyang ipagawa sakin, alam ng iyong ama na maraming katanungan."

"Ina, ano ba kasi ang ginagawa ng tatlong hari dito kanina?"

"Bakit ako ang tatanungin mo? Alam ko naman nakikinig ka kanina." nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi ng aking ina.

Ina ko siya, kaya kilalang kilala niya ko.

Natahimik ako, dahil alam kong ako ay nakasala sa kanila.

Ilang sandali din ay nakaramdam ulit ako ng halik galing sa aking ina.

"Wag kang dapat ipag-alala aking munting prinsesa, sapagka't ika'y isang libo at anim na daan gulang pa lamang, sa iyong ika dalawang libo at isang daang karaarawan, magsisimula ang iyong hamon."

"Alam ko yun ina, dahil palagi mo iyan pinapaalala sakin."

"Matulog ka na aking anak dahil bukas magkikita kayo nina Lucas at Samuel."

"Oo nga pala ina! Nakalimutan ko!" napatampal ako sa aking noo, dahil nakalimutan ko ang pinag-usapan namin nina Lucas at Samuel.

"Matulog ka na ulit."

"Opo ina." pinahiga ako ng aking ina at siya naman ay tumabi sakin. Ilang sandali din ay narinig ko ang pagkanta ng aking ina.

Habang siya ay kumakanta, parang may mahika siyang ginawa at ako ay agad na nakatulog.

---------------------------------

"Lucy!"

"Ang tagal mo naman gumising."

Napamulat ko ang aking mata dahil sa ingay na aking naririnig.

"Mahal na prinsesa! Nandyan na po si Lucas at Samuel!" sabay saad ng tatlong ipis.

"Alam ko, narinig ko sila."

"Magandang lalake talaga si Samuel, magkapareho pa kami ng uri."-Flora

"Hindi ah, mas pogi si Lucas!"-Amelia

"Ngunit siya ay isang wizard."-Isabela

"Isa kang taksil sa ating lahi!"-Flora

"Porket magkapareho kayo ni Samuel na isang earth fairy-- wag na lang!"-Amelia

"Ano yun sinasabi mo? Ituloy mo nga!"-Flora

"Nag-aaway na naman sila."-Isabela

Agad ako napaupo at tinapunan sila ng unan.

"Ang ingay niyo!"

Agad ako napatayo at tinignan sila ng masama.

"Perfectionus." agad naman ako nakabihis sa damit na iniisip kong suotin.

Three Immortal KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon