-LUCY-
Iminulat ko ang aking mata. Agad ako bumangon at tumakbo papunta sa bintana.
"Magandang Umaga Wizaryville!" bati ko sa lahat ng nilalang na makakarinig sakin.
"Perfectionus." saad ko at agad naman nakapalit ako ng pang-araw-araw kong dapit.
Tumingin ako sa paligid. Ang ganda talaga.
"Mahal na prinsesa!!" eto na naman ang tatlong langaw na eto.
"Mahal na prinsesa!" tumingin lang ako sa kanila.
"Bakit? Anong problema?" tanong ko sa kanila.
"Mahal na prinsesa, pinasasabi po ng amang hari at inang reyna na---" hindi pa tapos sa pagsasalita si Flora ay may itinanong na ako sa kanya.
"Anong oras na ba?" tanong ko.
"Oras na po ng agahan mahal na prinsesa." sagot naman ni Amelia
"Kung ganon, dapat na ako ay bumaba at baka hinihintay na ako nilang ama at ina." naglakad ako papunta sa pintuan.
"Teka mahal na prinsesa, may sasabihin pa kami sa iyo." saad ni Isabela.
"Edgeboboutoosis." saad ko at lumabas ang aking pakpak.
Agad akong lumipad papunta sa trono ng aking ama at ina.
"Teka muna mahal na prinsesa!"
Hindi ko sila pinakinggan at pinatuloy ang aking paglipad. Nung natatanaw ko na ang trono ng aking magulang, napatigil ako dahil sa di inaasang paunahin ng aking ama at ina.
"Edgebonoutoosis." agad naman nawala ang aking pakpak.
"Mahal na prinsesa!" sigaw nung tatlo, kaya lahat sila ay napatingin sa kinaroroonan ko.
Imbis na magtago ako sa aking kinatatayuan ay lumabas na lang ako at lumapit saking mga magulang.
"Mahal na prinsesa."
"Prinsesang Lucy."
"Princess Lucy."
Magalang na saad ng tatlong paunahin. Nagtakha ako kung bakit sila nandito, hindi dapat sila naririto.
"Lucy.." saad ng aking ina, kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Dun ka muna sa silid mo aking prinsesa, may pag-uusapan lang kami mga hari." saad naman ng aking ama.
"Paumanhin amang hari pero sa tingin ko po'y nararapat na nandito ang mahal na prinsesa, dahil siya rin naman ang susunod na uupo ng trono dito sa Wizaryville." saad ni Daniel Ferguson, ang hari sa mundo ng mga lobo.
"Pasensya na pero hindi pa handa ang aking anak para magkaroon ng iisipin sa kanyang pag-upo sa trono, kaya't tayo na lang mga hari ang magpulong." napatingin ako sa aking ama.
Pero ewan ko, parang kinakabahan ako. Tumingin ulit ko sa mga panauhin ng aking ama.
Daniel Ferguson, hari ng mga lobo.
Carlos Hawkins, hari ng mga bampira.
Aidan Johnstone, hari ng mga ghouls.
"Wala kang dapat ipag-alala mahal na prinsesa, may hihilingin lang kami sa iyong ama sapagka't hindi na masaya ang aming lahi sa binibigay niyong pagkain." saad ni haring Aidan.
"Ano ba ang maitutulong namin haring Aidan?" tanong ko.
Tumingin ang aking ama kay ina.
"Dalhin mo si Lucy sa silid niya, dun lang kami sa silid ng pagpupulong." saad ng aking ama, tumango lang si ina at hinawakan ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Three Immortal Kings
FantasyGhouls, Vampires, Wolves, Wizards and Fairies do exist. Ang mundo nila ay nahahati sa dalawa. Mundo ng Kadiliman at Mundo ng Kabutihan. Ang mga Wizards at Fairies ang namamahala sa mundo ng kabutihan, samantalang ang Ghouls, Vampires and Wolves nama...