Ano ba talaga ang totoo? (One-Shot)

1.9K 67 44
                                    

Jeremy's POV

Tandang-tanda ko pa ang araw na umamin ako sayo.

Ang araw na pinaghandaan ko ng ilang buwan. 

Oo, buwan, tatlong buwan nga eh. Ang hirap kasi, hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sayo na matagal na kitang gusto, mali, matagal na pala kitang mahal

At isa pa, ayokong ma-reject, sino ba namang may gustong matanggihan, hindi ba? 

Sabi nila gusto mo rin daw ako. Noong una 1/2 balde lang ng lakas ng loob ang naipon ko sa tatlong buwan, tapos agad na naging 5 balde na dahil sa sinabi nila. 

Pero sabi ni Alenna, ang bestfriend ko, hindi mo naman daw talaga ako gusto. Kaya naging 2 balde na lang. 

Gusto mo rin ba ako? 

Ano ba talaga ang totoo? 

"Gusto rin kita" yan ang mga katagang di ko inaasahang mangagaling sayo ng nasabi ko sayo ang nararamdaman ko. Mga salitang  halos magpaihi sa akin sa sobrang kilig. Mga katagang naging dahilan ng pagngiti ko buong araw. Ganadong- ganado nga ako sa pagsagot sa klase noon eh. 

Oo, kinilig ako. Pero, syempre isang malawak na ngiti lang ang naibigay ko sa iyo noon. Nakakahiya kasi, ako, isang lalaki? Kikiligin? Sa totoo lang, ang hirap pigilin ng kilig.

Alam mo ba sa tulong siguro ng pagdadasal ni Alenna sa lahat ng santo at santa, naudlot ang dapat sanang pagyakap ko sa iyo dahil biglang dumating ang pinsan mong si Hannah. Gustong-gusto kitang yakapin dahil ang saya - saya ko talaga nun. Gusto mo rin pala ako. 

Parang ang bakla tignan, pero kinilig talaga ako. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

January 13, 2013 - Ang araw ng pagiging  MU natin.

Matapos ang pag-amin ko sayo ay mas naging malapit tayo sa isa't isa, doon ko naramdamang mas nahuhulog na pala ang loob ko sa iyo.

At mas lalong lumalim ang nararamdaman ko noong may nag-request na pagtabihin tayo at dahil na rin ng mga pang-aasar ng mga kaklase natin. Lalo na yung patago nating paghahawak ng kamay at pagsandal mo sa balikat ko.

Kunwari nga wala lang sa akin, pero sa loob-loob ko gusto ko ng magmura! Dahil nahawakan ko ang kamay mo! Syet! wahhh! Heaven dre!

Ang swerte swerte  ko raw at akin ka. 

'Pero akin ka nga ba talaga?'

Walang kasiguraduhan ang meron sa atin. 

Pero sigurado ako. masaya ako, masayang - masaya sa tuwing nakakasama kita. 

Sabi nga ng mga kaklase natin eh

'Bagay na bagay kayo!'

'Promise magiging masaya kayo!'

'Kayo na talaga!'

'Uy, forever na sila!'

Halos malunod ako sa mga sinasabi nila, tuwang tuwa ako noon. Kasi pati sila, boto sa akin, sa atin. 

Ang sabi naman ni Alenna "Hindi kayo magtatagal, masasaktan ka lang. Walang patutunguhan ang pagiging M.U. niyo" palagi siyang kumokontra, hindi ko alam kung bakit , pero nasaktan ako sa  mga sinabi niya. Pero imbis na sabihin kong 'Bakit?' tumawa lang ako at sinabing 'Ang hilig mo talagang magbiro'

Ano ba talaga ang totoo? (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon