Ang Una Kong Pag-ibig (Part 1)

111 0 0
                                    



    PAUNANG SALITA:

       Nasa sala ako at nakahiga, bigla akong napaisip na parati nalang madaya ang panahon, kung di masakit, puro mahirap naman ang sitwasyong binibigay sa akin. Di ko mapigilan isipin mga bagay na ikinalungkot ko dati, pero sa dulo ng pag-iisip ko, di naman ako mapupunta sa kinakakatayuan ko kung di naman yun nangyari. At naisip ko na kung di dahil don, makilala ko siya.

       Kakatapos lang ng klase ko at ginawa ko na namang unan ang bag ko na isang notebook ang laman. Masakit sa leeg, pero no'ng aayusin ko na sana at kukuha ng unan sa kwarto ko, tumunog ang phone ko... "I LOVE YOU MAHAL KO, INGAT KA PANGIT. KAIN KA HA?" yan ang nasa message box ko, napangiti ako at humiga ulit. Nabasa ko din mga mensahe nya na di ko nabasa habang nasa klase ako, ang lambing niya sobra at miss niya ako parati. Di ko naman lubos maisip ang gaya ko ay iibigin niya. Sa mga nakakakilala sa akin simpleng lalake lang naman daw ako, nakahiligan ko magsuot ng mga jacket, matangkad kaya nakahiligan ko maglaro ng sports. Itim ang buhok na kukulot kapag sobrang taas na, namana ko yata ito sa mama ko. Dark-brown naman ang mata ko at minsan napagkakamalang contact lens ng mga taong tumititig sa akin.  Lahat ng matalik kong kaibigan inaasar nila ako sa kulay ko, pero ok lang sa akin, minsan nga ako na nagpangalan sa sarili ko "Black bug", at mga babae naman ang nakakapansin sa tangos ng ilong ko, nipis ng kilay ko, at dimple ko daw. Tahimik ako sa simula pero sa tingin ko di naman ako ganon kahirap pakisamahan kasi lahat ng trip nasasabayan ko maliban sa pag-iinum at sa masasamang bisyo. Sa katunayan sa lugar saan ako lumaki nakilala ako dahil sa naabot ko. Masaya ako kasi minsan nagagawa nila akong halimbawa sa mga anak nila, dapat di daw mabisyo kagaya ko. Mahal na mahal ko siya sobra, kaya bawat pag-uwi ko siya ang gusto kong makausap kahit gano paman kasama o kasaya ang araw ko. Napakaswerte ko sa kanya.

       Ang buhay talaga ay di ganon ka kulay kung di ka marunong lagyan ng kahulugan ang nasa paligid mo. Gaya ng pag-ibig, kung marunong kang magmahal at magsakripisyo, dapat handa ka na ring masaktan. Dati di ako naniniwala sa tadhana, ngayon nasabi ko may nakalaang tao para sa atin pero nasasayo ang disisyon at parti lahat ang nakaraan mo sa kasukuyan mo.

UNANG KABANATA: Nang Una akong Matutong Umibig.

          Ako si Clarence, isa akong estudyante na kakagraduate lang sa elementarya ng St. Joseph Elementary school, isang pampublikong paaralan. Pero bago pa ako nag-graduate, apat na taon ako sa isang pribadong paaralan. Nagtransfer ako dahil sa mahal ang tuition don. Naalala ko pa no'n, ewan ko bakit may awayan talaga sa pagitan ng mga studyante sa pribado at pampumblikong paaralan kaya di na ako magtataka kung bakit sa unang pasok ko sa St. Joseph wala akong kaibigan at kakilala man lang. Nag-iisa akong umuuwi at kumakain sa silid-aralan. Nakasanayan ko na din naman ang sitwasyong yon, pero bago ako nagtransfer don, naka-second honor ako sa private school kaya nakilala na ako ng mga guro. Honored student ako parati pero di nakaka-first honor, ok lang naman sa magulang ko. Masaya naman sila sa naabot ko mula grade one hanggang grade four, di na ako nag nursery. Sa katunayan, nakahinto ako ng pag-aaral grade one palang kasi malayo ang public school sa murang edad ko non, delikado.

          Mag-isa akong pumunta sa St. Joseph High School para mag-enrol, di na ako nagpasama sa magulang ko. Pinabasa lang ako ng isang kwento at nagperma ako pagkatapos ko tanggapin ang babayaran sa enrolment ko. Nong nagsimula na ang pasukan, marami na akong nakasabay. Naging kilala ako non dahil naging sixth honored student ako. Inaamin kong nahirapan ako non kasi maraming matatalinong kaklase ko na siyang kaklase ko ngayon sa first year High school, sanay na rin ako sa kompitensya sa mga ka klase ko. Si Kristine ang isa sa kilala ko don, bakit ba hindi ko siya naging kilala eh nong nagtransfer palang ako sa elementary eh marami ng nagsasabi na may gusto daw siya sa akin. Siya ay pinangalanang "Snow White" sa puti niya. Matalino din at sobrang mahiyain. Nahahalata mong namumula parin siya kapag nakikita niya ako nagsasalubong ang aming tingin sa klase. Malayo siya sa upuan ko, nasa kabilang column siya katabi nya mga matalik niyang kaibigang si April at si Cris.

         Dami naming kalokohan sa unang taon palang namin sa high school, kabilang na don ang pang-aasar nila sa akin kay Kristine na pilit kong iniiwasan kasi wala naman akong gusto sa kanya, isa lang gusto ko mangyari no'n kundi makapag-aral ng mabuti at makakuha ng malaking grado. Sa totoo lang, siya ang unang nagkagusto sa akin sa high school, kaya masarap sa feeling iniidolo ka ng isang babae, pero ayaw ko patulan kasi nga first year pa at isa pa, di ko alam mga bagay na yan. Nakakainis minsan at naiirita ako sa tuwing ako ang tumatayo para sumagot, lahat ng kaklase ko ay nagsisigawan at lahat nang-aasar sa akin, kinikilig si Kristine pero di ko kayang tumitig sa kanya baka kasi makita ko gano siya namumula at gumaganda siya.

Ang Buhay Pag-ibig nga Naman Oh!: Umibig at NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon