Ang bilis lang ng mga araw at dumaan ang mga ilang buwan, di ako makapaniwala na second-year high school student na ako. Naalala ko naparangalan ako bilang isang honored student na naman nakaraang taon. Masaya ako at napanatili ang reputasyon ko na nasimulan ko . Kaklase ko ulit ang mga klase ko dati, pero may iba di na nagpatuloy at di ko na nabalitaan kung saan na sila. Malaking pagsubok na naman to sa akin kasi dati may silid-aralan kami, ngayon wala na. Nag-uunahan nalang kami sa pagposisyon ng mga upuan namin sa gym kung saan magtuturo ang mga guro namin. Oo, nasa labas kami, may bobong naman pero sa tuwing maambon, di talaga maiwasan nababasa papel namin habang nagsusulat, o di kaya'y nagleleksyon nalang kasi basa ang pisara. Maingay parin kami gaya ng dati at kaklase ko na naman si Kristine at nag second-year nalang kami, di parin nawawala ang asar nila at halos itulak na si Kristine sa akin ng mga kaibigan niya. Sa tuwing sumasagot ako sa pisara o minsan tumatayo para man lang magbasa, di na bago sa akin ang ingay at ang pinagsisigawan nilang dinugtong na pangalan naming dalawa, "KrisRence". Halos nahat kinikilig, at nasanay narin ang mga guro namin, pati sila nakikisabay narin.
Marami ng ang nagtutulak sa akin na patulan ko na, at dumating sa punto na punong-puno na talaga ako sa pang-aasar nila. Di ko na pinigilan sarili ko kaya, napag-isipan ko na kausapin siya para hingin number niya. Nag-uusap kami sa text at tawag, at niligawan ko siya. Alam ko sobrang makasarili ko, pero nahihiya na ako sa mga asar nila, napupuno na ako na pinasasabihang, "bakla", "duwag", at "manhid", at sa huli ako pa nagiging masama na sila lang naman nagbigay ng rason kung bakit mas nahulog si Kristine sa akin. Pinili kong ligawan siya kasi sa tingin ko ito ang magandang paraan para tumigil na ang lahat ng ito at mas makapag-focus ako sa pag-aaral ko.
Pagpasok ko kinabukasan, di na ako makapaniwala na may girlfriend na ako. Nag-abang sila lahat lalo na mga kaibigan niya para malaman na totoo ba ang balita at sinabi ni Kristine nila kagabi. Nabigla ako kasi pinag-usapan namin na isekrito muna relasyon namin, pero wala na akong magagawa kundi sabihin ang totoo at nakipagsundo sa kanila wag muna ipaalam sa iba pa. Nakita ko si Kristine na napapangiti sa akin sa tuwing nagsasalubong ang amin tingin. Masaya ako at kampante ako na magiging ok lang ang lahat.
Di nagtagal, nalaman din nila ang totoo, mas masaya sila sa nalaman nila. Bawat araw kasi napapansin nila na mapapadalas na lapit ko kay Kristine. Di na siya namumula't nenenyerbyos kasi wala ng masyadong nang-aasar sa amin, alam na kasi nila at ako naman mas nakakafocus na ako sa pag-aaral ko. Gaya ng naging napagplanuhan ko, naging nga lahat, at mas pinag-iigihan ko ang pag-aaral ko. Nakatuon ang atensyon ko sa mga leksyon, di ko alam may napapabayaan na pala ako. Alam ko namang mangyayari to. Ilang buwan ang lumipas di na ako nagpaparamdam sa klase total maiintindihan niya naman ako, mas ginanahan ako mag-aral kasi nandyan siya. Sa pagkakataong yun naging pangalawa ako sa klase at siya yung naging pangatlo, ang layo ng inabot ko kasi dati pang anim lang ako. Nagagapanibago rin kasi siya ay pang walo dati, ngayon ay nakasunod na sa akin sa ranking . Sinabi niya sa akin sobrang inspired niya, kahit parang wala ng kami. Di na kami halos magpansinan at lahat ng kaibigan niya inaaway na ako kasi nalulungkot na daw siya kasi di na ako gaya ng dati. Di naman ako nagbago, sadyang di niya lang alam seguro gaano ako ka seryoso sa pag-aaral ko. Umaasa ako na maintindihan niya ako.
Walang araw at gabi di niya ako kinukumusta, pero nagrereply naman ako sa kanya, naiinis lang siya kung bakit hanggang salita lang ako at sa klase di naman ako namamansin at hanggang pagsabay nalang ako ng wala man lang kinekwento. Di ko masabi sa kanya na nahihiya ako, at medyo malakas tibok puso ko sa tuwing lumalapit ako. Ilang araw ko narin pinag-isipan ano ang nararamdaman ko, masaya ba ako sa grades? o sa nakakapanibagong pagpupursige ko sa klase? Di na ako makapag-isip ng maayos. Nahulog na yata ang loob ko noong isang gabi napag-isipan ko na nakaya niya tiisin ugali ko ng anim na buwan. Natapos na ang final ranking at second honor ako. naging pang-apat siya at biglang umalis pagkatapos ng recognition. Ilang beses ko siya tenext at di na siya nagrereply. Gusto ko kausapin siya pero ayaw na niya sa akin. Gusto ko pagsisihan ang lahat pero huli na ang lahat kasi tapos na ang school-year, at sabi niya wala ng rason para magkita muna sa summer. Pinipilit ko siyang kausapin ako, pero walang nangyayari. No'ng naging second ako sa ranking, naisipan ko bilhan siya ng regalo, pero di ako makalapit sa panahong yun kasi nagsisimula na siyang magalita kung kailan pa ako sana lalapit at magpasalamat. Huli na talaga ang lahat, at ang masakit di ko mataggap na sinabi niya sa text may iba na siya. Ang hiling ko na ibigay ang regalo ko sa kanya ay nakabalot nalang na nasa ilalim ng kama. Ayaw ko tignan, di ko man lamang nabalanse ang lahat kung may napapabayaan ba o wala. Di ko man lang nasabi na babawi ako pagkatapos ng final grading at magsimula ulit kasi nainlove na ako sa pag-iintindi niya, di ko talaga naisip na naghihintay lang siya sa akin at tiniis niya ako sa nais kong matupad. Di ko na siya maibabalik at sa simula ako gumawa ng disisyon, pero di ko inakala na hahantong sa ganito. Huli na para umibig, kaya sa unang pagkakataong mainlove ako, doon pa nabasag ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig nga Naman Oh!: Umibig at Nasaktan
RomanceMinsan natanong ko sarili ko "bakit parati nalang ako nasasaktan?" at ang sakit lang kasi sa "bakit sa ibat-iba pa namang paraan?", Madali lang sabihin nilang "charge to experience nalang yan..." hanggang sa nakilala ko ang babaeng para sa akin, at...