“Ouch!”
Haay! Araw-araw na lang ba na ganito ang lalabas sa bibig ko.
Nagtataka na marahil kayo kung ano nga ba 'tong drama ko.
Ako nga pala si Shella Joy Ballenas, isang ordinaryong high school student. Mahilig akong magsolo. Hindi naman sa hindi ako friendly pero mahiyain kasi ako at parang hindi rin naman nila ako gusto kasama. Ayoko ko namang ipagpilitan ang sarili ko kaya ako na mismo yung lumalayo. Mas pipiliian kong umiwas kaysa masaktan pero
parang mali ata yung konsepto ko na ito dahil bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.At eto nga, nasaktan na naman ako.. Pano ba naman rinig na rinig ko yung usapan na naman nila ng barkada nya, nandito kasi ako sa canteen ngayon at nagsosolong kumakain.. ano pa nga bang aasahan?! At ewan ko ba naman kung bakit palagi na nagkakalapit yung pwesto namin sa isa’t-isa.. Tss… Kupido, kung alam mo lang hindi ka nakakatulong sakin!
“Cyrus, ano ba kasing problema mo.. ligawan mo na sya?”
“Hindi pa pwede”
“Bakit ba pare? Mahal mo ba?” tanong ng barkada nya at bigla naman akong napatingin sa kanila, iniintay ko kasi kung anong sagot nya kahit alam ko na naman talaga.. :[
Pero ang nakakapagtaka lang, hindi sumasagot si Cyrus bagkus tumungo sya…… Bakit kaya?!
“Oi pare, hindi makasagot si Cyrus, natameme o dinadaga?” asar nung kaibigan nya at sabay tawa nila habang tahimik pa rin sya..
Pero biglang nahinto yung asaran nang biglang......
“Mahal ko sya…mahal na mahal.. kaya humanda sya bukas kasi sisiguraduhin ko na ganyan rin mararamdaman nya sakin!”
Napansin kong halos mapanganga yung mga kaibigan nya…. Nakakapanibago kasi si Cyrus, Oo nga’t kilala sya bilang isang Campus Hottie at Heartthrob sa school namin pero ni minsan wala pa akong nababalitaang niligawan o nililigawan nya…
Grabe! Ang swerte naman nung babaeng mahal nya… Ayy mali! Hindi lang pala mahal… kundi mahal na mahal…
Kung tatanungin ako kung anong nararamdaman ko ngayon..
Corny mang sabihin pero… parang tinutusok ng milyong-milyong karayom ang puso ko ngayon…
Ang drama ng buhay-pag-ibig ko no?! Masisisi nyo ba ako eh Matagal ko na kasi syang gusto, akala ko nga hanggang crush-crush lang pero nagbago ang lahat nung magbakasyon ako sa mga pinsan ko sa Batangas….
Flashback: Sembreak
“Welcome ulit Shella…grabe ang tagal mong hindi nagbakasyon dito… super liit mo pa nung huling punta mo dito pero sana mag-enjoy ka pa rin dito samin” sabi nung pinsan ko… Steph name nya
“Naku! Oo nga eh, ang tagal na pero nafi-feel ko naman na mag-eenjoy talaga ako.. ang gaganda ng scenery eh”
“Sige, mamaya ipapasyal ka namin, pero bago yan..halika kumain muna tayo couz”
“Sure! Kanina pa nga akong nagugutom..haha”
“OHMYSUPERG!” sigaw nung isa ko pang pinsan na si Cyntial at pansin ko namang super kinikilig sya ngayon sa nakikita… Ano bang meron?!
“Oi Cyntial… ano bang nangyayare sayo dyan at parang may kiti-kiti ka dyan?!”
“Ate Steph…Dito pala ulit sila magbabakasyon” sabay lapit nya sa bintana para mas lalo nyang makita yung mga bumaba sa isang humintong sasakyan sa tapat ng bahay nila
BINABASA MO ANG
Dear Diary, Love Hurts: Mahal Kita pero Mahal mo Siya :( [one shot]
Roman pour AdolescentsAng story na ito ay para sa lahat ng nagmahal, nagmamahal, at magmamahal pa lang.. Kung ikaw ay isang dakilang single, don't worry kasi malay mo ikaw din pala yung iniintay ng taong mahal mo :)