Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Tipong mamahalin mo daw yung isang tao sa unang kita mo palang sakaniya. Ede, posible lalo yung, crush at first sight? Medyo mild lang yung mararamadaman mo sa unang pagkakita mo sakaniya.
Pero, pamilyar ba kayo sa crush at first hear? Tipong narinig mo lang siya kumanta, nasabi mo na, na crush mo siya. IMPOSIBLE. Yun siguro iniisip niyo ngayon. But guys, you're wrong. Nangyari sakin 'yon.
Kanino? Kay JP Bencito. Nakilala ko siya nung minsang pumunta ako sa College of Communication (COC) ng PUP, nung summer. Tatambay lang talaga kami nung kaibigan ko nun. Tapos nayaya na kaming mag-audition dun sa Serenata ata 'yon. Yung choir ng PUP Main.
Pagpunta dun sa theater, nasa labas palang kami. May narinig ako'ng kumakanta ng I'll be. At nasabi ko talaga sa sarili ko na crush ko na yung kumakanta na 'yon. Kung sino man siya. Pagpasok namin sa theather, nun ko siya nakita.
Na-crush-an ko na siya no'n. Kaso hindi ko alam pangalan niya. Buong bakasyon, umaasa ako na makikita ko pa siya. Nakapasok kasi ako sa SERENATA. At feeling ko kasali din siya dun. Kaya sana nga makilala ko pa siya.
Oo nga pala. Ako si Ayla Oznerol. BSA Student sa PUP. First year pa lang po. Kasagsagan ng bakasyon at wala akong magawa sa bahay. Bute nalang talaga nauso 'yang text text na 'yan. Yan lang pinagkakaabalahan ko.
Medyo nawala narin sa isip ko yung crush ko'ng si Kim Soo Hyun. Yun nalang muna itatawag ko sakaniya, since hindi ko nga alam ang name niya. Kamuka niya kasi 'yon eh. Fan pa naman ako ng DREAM HIGH. Tapos kumakanta pa dun si Kim Soo Hyun.
Nakakilala ako ng isa pa, na sobrang nakakainlove ang boses. Siya si Phenn. JP ang name niya, pero sabi niya Phenn nalang daw ipangalan ko itawag ko sakaniya. Nakilala ko siya sa text. Naging close kami. Pero hindi kami nagsabihan ng mga apilyedo namin. Wala kaming alam sa isat isa. Bukod sa sabi niya sa TIP siya nag-aaral. Civil Engr. 3rdyear. SA sya.
Siya talaga nakaisip nun eh. Na wag kaming magpakilanlan. Mas nakakapag-share kami ng mga bagay bagay tungkol sa isat isa, dahil nga hindi naman namin kilala yung isat isa. Mas open kami sa isat isa. Kaya lang natalo ako eh. Nainlove ako. Ang bait bait niya kasi eh. May sense siya kausap. Palagi niya ko pinapatawa kapag nalulungkot ako. At magaling din siya kumanta.
May isa pa akong napag-kaabalahan ngayong bakasayon. Yung mga clan na sinalihan ko. Una yung UPs. Yung "Ultimate PUPians." at yung isa naman ay TP. Yun yung "Tropang PUPians.' Medyo sugapa sa clan, ano po?
Sa TP ko nakilala si Rex Guillermo. Siya yung naging daan para makilala ko si Kim Soo Hyun. One time kasi na, chineck ko yung mga facebook account ng mga clanmates ko. Nakita ko yung profile nitong si Rex. At nagulat ako nung nakita ko yung cover photo niya nung mga panahon na 'yon.
Marami sila non eh. At ang nakakagulat dun, nandun si Kim Soo Hyun. Well, hindi ko sure. Pero feeling ko siya 'yon e. Yung nakasalamin. Yung picture na 'yon, may caption: With COC Laban
Chinat ko agad si Rex.
Ayla Oznerol: Rex, sino yang mga kasama mo sa cover photo? Parang kilala ko yung nakasalamin na guy diyan. Yung naka-green.
Rex Guillermo: Ah yan, classmate ko. Why?
Nagkaroon ako ng dalawang kaalaman tungkol kay Kim Soo Hyun. Una, third year na siya. Dahil third year na si Rex, sa pagkakaalam ko. At pangalawa, taga COC siya. Okay na muna sakin 'yon. Pag tinanong ko pa pati pangalan. Magtataka na si Rex. Nung gabing 'yon. Napa-GM ako sa sobrang saya na atlast kilala ko na si Kim Soo Hyun.
BINABASA MO ANG
Snatcher (On hold)
Teen FictionShort Story lamang po ito. Side story lang ng on-going story ko, na Dear Chinito. Birthday gift ko rin sa isang kaibigan <3 Ayla Oznerol, para sa'yo 'to. Happy Birthday! Pero binabalaan ko kayo... patikim palang 'to...