Chapter 4

7K 175 6
                                    

Chapter 4

"Good morning pretty," Hindi na ikinagulat ni Porche na maabutan si Mackie na nagkakape sa sarili niyang kusina na para bang sa lalaki ang bahay na 'yun. And what bothers her the most is that the fact na ine-expect niya talagang makita ang lalaki sa bahay niya pagkagising na pagkagising niya at kung anong mararamdaman niya kung wala ang lalaki doon.

Disappointment?

'Malala ka na Abillon,' She muttered under her breath.

"Ano na namang ginagawa mo dito? Umagang-umaga, Guevarra." Pagtataray niya para pagtakpan ang pamumula ng mukha niya. After everything that happened the other night and the Pep talk with Yana, nakumbinse niya ang sarili niya na magpadala na lang sa agos- for a while- tutal ang lalaki naman mismo ang gumagawa ng paraan para mahulog siya ng husto dito, might as well use that attraction for her own sake.

'Kase kung pipigilan ko 'tong nararamdaman ko, para ko lang din pinipigilan ang pag-utot. Masakit na nga, hindi mo pa mapipigilan kung kailan niya gustong lumabas.'

"Nagkakape."

"Nakikita ko nga. Wala ba kayong kape sa bahay?" Mataray na tanong niya habang nagtitimpla ng sarili niyang kape.

"Mas masarap kase ang kape dito e."

"Wow a, nang-uto ka pa talaga." She twirl around only to find him staring at her legs. Saka niya lang na-realize na hindi niya nga pala ugaling magsuot ng pang-ibaba kapag natutulog. "At kelan pa napunta sa baba ang mukha ko?"

Unti-unting nagtaas ng tingin ang lalaki mula sa hita niya pataas, at tumambay yung sa kanyang dibdib- nakasuot lang siya ng hello kitty na t-shirt at base sa titig ng lalaki sa kanya, nahalata din nito na wala siyang bra.

"Sorry, nakaka-distract kase yung mala- Megan Young mong hita e." He said apologetically but his eyes sparkles and he's grinning like an idiot and it's letting Porche know that he's not sorry at all.

"Pssh. Kunware ka pa. Ang sabihin mo, manyakis ka lang talaga." She sat down beside him, aware of the fact that her heartbeat became much faster the moment his finger touched her elbow. Yung tipong parang nadilaan ng live wire yung katawan niya at kulang na lang e mangisay siya sa semento dahil dun.

"Kung manyak ako, edi sana hindi na ako umuwi kagabe, 'di sana, hanggang ngayon nasa kwarto pa rin tayo tapos-"

"Kung anuman 'yang mga salitang lalabas sa bibig mo, tigilan mo na. Aasinan ko 'yan!" Inilagay ni Porche ang kamay niya sa bibig ni Mackie para pigilan ang lalaki sa pagsasalita kahit sa totoo lang, naiimagine niya ang senaryo na sinasabi nito and it's making her squirm on her seat.

"Edi 'wag. Ikaw din, you'll miss the best part." Nakangisi pa ring sabi nito.

"Again, I really don't need a visual, thank you very much." Pansamantala silang natigilan. Hindi alam ni Porche kung anong iniisip ni Mackie,pero siya, si Mackie ang iniisip niya.

"Punta ka sa bahay, Porche."

"No. Ayoko. Ayoko ng magpanggap na ako si Portia. Ayoko ng magpanggap na girlfriend mo." Isa pa 'yun sa mga naisip niya kagabe. She doesn't want to be Portia anymore. If she's going to enjoy this, she'll enjoy it as Porche.

"Sino bang nagsabi na pupunta ka dun as Portia?" Hindi nakaligtas kay Porche na hindi binanggit ni Mackie ang pagiging kunwareng girlfriend niya but she doesn't want to hope, yet.

"Sabi mo kase.."

"Sabi ko, pupunta ka. Hindi ko sinabing magpapanggap ka. Assumera!"

"Wow ha. Hiyang-hiya naman ako sa'yo!"

Her Best Mistake (Xavier Series) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon