Chapter 9

6.3K 174 4
                                    

Chapter 9

"I knew it!"  Pumapalpak pang sabi ni Portia na ikinagulat ni Porche.

"Hindi ka galit?"

"Oh, why would I? To be honest masaya pa nga ako dahil hindi na ako mahihirapang makipag-hiwalay sa kanya e."

"Uhmm.." Paano ba sasabihin ni Porche na nabanggit na niya kay Mackie na ayaw na ni Portia sa kanya.

"Anyways, hmm.. Congrats twinnie! Ako na ang nagsasabi sa'yo. Mackie is a good catch." Sinsero pang sabi niya. "Although nakakapang-hinayang siyang pakawalan but at least I know you're both in good hands." Halos malaglag ang panga ni Porche sa naririnig na mga salitang nanggagaling sa bibig ni Portia.

Ganon na lang ba talaga kadali para dito ang bitawan ang isang tao? Para lamang siyang nagpapalit ng damit?

"Ganun na lang 'yon? Pagkatapos mo siyang pagsawaan, itataboy mo siya sa'kin? Anong akala mo sa'kin, Portia? Nagre-recycle ng basura?" Hindi napigilang sigaw ni Porche. Hindi ganito ang inaasahan niyang magiging reaksyon ng kakambal sa sinabi niya. She expects her to yell, to say nasty things about her. Alam niya kung paano siya magre-react. Alam niyang kailangan niya lang humingi ng sorry at lumayo, at kalimutan ang isang buwang pag-ibig niya. Pero 'yong maging ganun katanggap-tanggap para kay Portia ang ipinagtapat niya, parang may mali. Parang hindi niya alam kung anong gagawin.

"Don't get me wrong, Porche. Inamin mong mahal mo na si Mackie,  alangan namang away-awayin kita dahil lang 'don? Hindi mo naman talaga mapipigilan ang feelings mo and I know, partly this is my fault. Kung hindi naman kase ako biglang umalis, hindi naman kayo aabot sa ganitong sitwasyon, 'di ba?"

"Hindi mo 'ko naiintindihan e. I'm the responsible one, hindi dapat ako nagpapadalos-dalos. Hindi dapat ako naging careless.."

"Well, maybe it's time you loosen up a bit. Siguro dapat, kahit minsan lang gumawa ka ng isang napaka- careless na move, 'yong tipong tatawanan mo na lang at sasabihing 'shit, nagawa ko ba talaga 'yon?'"

"I'm not like you- No offense Portia."

"No offense taken." Portia said, shrugging. "Pero hindi ka dapat maging ako nor hindi mo dapat gawin ang mga ginagawa ko. For once, gawin mo naman ang gusto mo without considering me. Without considering kung gaano kaliit ang magiging apekto n'un sa'kin o kung gaano ka na naman magiging malayo sa'kin."

Sapul na sapol si Porche sa sinabing 'yon ni Portia kaya hindi na siya nakapagsalita. So napansin din pala nito ang pag-iwas niya noon pa man.

"So, sigurado ka, hindi mo talaga ako aawayin?"

"Gusto mo bang awayin kita?" Natatawang tumayo pa ito sa harapan niya. "Sorry to disappoint you, Porche, pero hindi mo ako evil twin sister, walang ganun-ganung moments. Nakaka-stress lang makipag-away. Nakakapangit pa."

Hindi napigilan ni Porche na iyakap ang braso sa bewang ng kapatid. "Ang swerte sa'yo ni Mackie kapag nagkataon." Biglang nagusot ang mukha ni Porche sa sinabing 'yon ni Portia.

"Inuuto mo pa 'ko, pa'no siya magiging swerte sa'kin, e, 'di hamak namang mas maganda at mas sexy ka." Portia snorted.

"Being maganda and sexy doesn't guarantee someone of a lasting and fruitful relationship. 'Yung iba kase, dinedate lang ako para gawing trophy girlfriend. Naiinggit nga ako sa'yo e. Atleast ikaw, kapag may nagkagusto sa'yo, nagkagusto sila kay Porche. They sees you as someone worthy of their time, effort and love."

"And here I am, thinking the same. Naiinggit din ako sa'yo dati kase sa atin dalawa, ikaw nga yung-" itinaas niya pa ang dalawang kamay niya sa ere "quote-unquote mas."

Her Best Mistake (Xavier Series) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon