Chapter One

79 4 2
                                    




Naging malaking fan na siya ng grupo magmula nang makita niya HOWLING KINGS music video ng mga ito sa Youtube. Hindi siya 'yung tipong madaling mahumaling sa isang Korean Idol group, pero exception to the rule ang Black Haze.

Siya si Josefina Sullivan, pero mas trip niya na 'Finn' ang itawag sa kanya. Wala lang, mas maganda kasi iyong pakinggan kesa sa 'Josefina' na binigay ng nanay niya. Not that she hated her birthname, basta Finn ang gusto niyang itawag sa kanya!

Nakasimangot si Finn nang pumasok siya sa premises ng five-star hotel kung saan siya nagtatrabaho bilang receptionist.

"Good morning Miss Finn. Ang haba ng nguso natin ngayon ah?"

Ngiting-aso ang ibinigay ni Finn sa security guard na nakabantay sa may revolving glass door. "Pouty lips lang talaga ako, Mang Oscar."

"Ah, akala ko nakasimangot ka ng lagay na 'yan eh."

Kiming tawa na lang ang ibinigay niya rito bago siya nagpatuloy sa pagpasok sa lobby. As usual, dumeretso siya sa reception desk at hinarap ang desktop computer.

Oo, inaamin na niya. Nakasimangot talaga siya. Paano ba namang hindi?

Ngayon dapat ang simula ng 2-day vacation leave na ilang buwan na niyang ipinagdarasal na maapprove. Isinakto niya iyon sa pagdating ng kinababaliwan niyang grupo na BLACK HAZE dahil mamayang gabi magaganap ang first part ng concert ng grupo sa bansa.

Pero imbis na nagbi-beauty rest siya ngayon at naghahanda ng kanyang 'concert outfit', naroon siya sa hotel para sa isang 'mahalagang trabaho' na sinasabi sa kanya ng supervising manager niya.

All she ever wanted is to go to the concert venue and see even the slightest sight of their hair—at least. Was that too much to ask?!

She sighed in frustration as she turned on her desktop computer.

Lalong nadagdagan ang frustration niya nang masilayan ang wallpaper ng desktop computer.

in front of her is the Ivy School picture of the cutest and hottest guy amongst the twelve members of BLACK HAZE –Maki. Yes. Cute and hot talaga si Maki sa paningin niya, no matter how opposite it means. Para sa kanya, iyon ang dalawang katangian ng lalaki na hindi pwedeng paghiwalayin. May hawak itong bulaklak at nangungusap ang mga mata habang inuumang ito sa harapan –sa kanya!

"Oh my, baozi, Mamayang gabi dapat ang nakatakdang pagkikita nating dalawa kaya lang may emergency naman akong dapat gawin dito sa hotel...."

Gamit ang isa pa niyang kamay ay hinaplos niya ang computer screen as if mukha ni Maki ang hinahaplos niya.

"I really want to see you... To feel you like this... Alam mo 'yon? Minsan na nga alang akong humingi ng off, hindi pa ako pinayagan. Nakakasama ng loob."

She bit her tongue though. Dahil sa loob-loob niya pinapagalitan na siya ng kanyang konsensiya.

"Hoy! ANg kapal mo naman, Josefina! Anong minsan? Hindi ba't noong isang buwan lang eh nanghingi ka na rin ng leave?! Tapos ngayon, nagdaramdam ka na hindi in-approve ang 2-day vacation leave na hinigi mo? Mahiya ka naman 'pag may time."

Napasimangot nalang siya.

"Kahit kailan talaga, kontrabida sa kaligayahan ang trabaho. Diba 'no? Nakaka-relate ka sa'kin for sure. Hindi 'bat busyng-busy din kayo ngayon? Ni wala na kayong leisure time. Ang saklap diba, aking irog?"

Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa 'irog' niya. Sa ganoong paraan dahil kahit paano'y naiibsan ang frustrations na nararamdaman niya. Tutal, wala pa naman siyang bisita na namamataan. Kung sa bagay, napaka-aga pa naman. Hindi pa nga ata gising ang mga tandang.

LOVE ME NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon