"Bakit ba ako nadamay dito???!" Sa isip ni Finn ay panay ang litanya niya.
Hindi niya alam kung gaano na sila katagal na tumatakbo ng hinayupak na si Edison, pero isa lang ang nasisiguro niya. Nakapalayo na nila sa MOA concert grounds! Wala nang gaanong tao sa lugar na iyon bagaman napakaliwanag pa rin dahil sa dami ng establishimentong nasa paligid.
Kung hindi siya nagkakamali, nasa may Baclaran na sila. Ganoon kalayo ang narating nila! Kaya pala lawit na ang dila niya sa kakahingal! Tinakbo pala nila ang ruta ng yellow cab!
Nang tila mapansin ni Edison na hindi sila sentro ng atensiyon ng mga tao sa paligid nila ay nagpasya na itong huminto sa pagtakbo.
Sa wakas!
Kapuwa sila humahangos at naghahabol ng hininga habang sumasandal sa isang sa base ng isang traffic light.
"I'm thirsty!" wika nito pagkuwan. Hindi halata ang paghingal nito sa paraan nito ng pagsasalita, na ikinagulat niya.
Ang tindi din ng isang 'to! Mahigit isang kilometro ang tinakbo naming dalawa, paano niya nagagawang magsalita ng tuwid?!
Namewang ito at bumaling sa kaniya. Taas-baba ang mga balikat nito dahil sa paghingal.
"Yah, buy me some water!"
"Hah-hah-hah....wait....hah-hah-hah...a...hah...min...hah...minute..." She huffed and leaned her hands on her knees.
She heared him click his tongue. "Women! Always a weakling!"
Kung hindi lang lumalawit ang dila niya at kinakapos sa hininga, baka tinalakan na niya si Ed. Ang lakas ng loob mong kutyain ako, ikaw nga 'tong kumaladkad sa akin dito!
"Ah! Forget it. I'll buy one."
Humugot ito ng ilan pang malalim na hininga bago nagsimulang maglakad. Hinayaan niya lang ito. Bahala na itong humanap ng malapit na vending machine o di kaya nama'y magpunta sa mga food chains na nagkalat sa paligid upang bumili ng inaasam nitong tubig.
Basta siya, magpapahinga!
Tokwa naman, ang sakit ng mga binti ko...
Agad niyang hinilot ang mga iyon. Daig pa niya ang tumakbo sa 10K run nang walang warm-up dahil sa pamimintig ng mga iyon. She even doubted kung may natitirang lakas ang mga iyon upang maitayo siya.
Napatingin siya sa pares ng itim na combat shoes na huminto sa harapan niya.
Unti-unti niyang itinaas ang kaniyang ulo at nasumpungan ang pawisang si Edison. Bakit ganoon? Sa kabila ng pamamasa ng leeg nito at tuluyang pagkakagulo ng hairdo nito, nagagawa pa rin nitong maging guwapo?
Fine, guwapo nga siya. Oh e ano? Nakamake up lang 'yan eh!
But she knew she's just making an excuse. Sa haba ng tinakbo nila, siguradong humulas na ang make up na nakalagay sa mukha nito... which means, ang natural na facial features ng lalaki ang nakikita niya.
Napaka-out-of-place ng outfit nito sa lugar kung nasaan sila ngayon. But that only made him become more outstanding in her eyes.
Hindi palaging makakakita ka ng isang Korean idol na humihingal, basa na nga ng pawis, pero nagagawa pa ring dalhin ang techno-inspired outfit nito as if those were just his usual pieces of clothing. Nakaka-amaze.
Anak ng! Sinabi nang huwag mong pinupuri ang isang yan eh!
"Oh...bakit ka bumalik?" tanong niya rito sa wikang maiintindihan nito.
BINABASA MO ANG
LOVE ME NOT
FanfictionEdison Huang. A member of Black Haze and is one of the main rapper. You couldn't just ignore him because of his charismatic stare and so~ sexy lips that make fangirls go crazy whenever he smiles. Sikat at gwapo. He knows that fact all too well and h...