ALLY’s POV
Sinamaan ko ng tingin si Puti.
“Bakit ba lagi mong sinasabi sa akin na wala silang kasalanan?! KASALANAN NILA!!! Kinidnapped nila ang nakababata kong kapatid na lalaki at ano?!” tumulo ang luha ko. “pagkalipas ng tatlong araw may mga pulis na darating sa bahay namin at sasabihin na patay na ang kapatid ko at nakita nila ang bangkay nya sa isang eskinita?! B*LLSH*T !!! Baekho wag mo kong gawing tanga!!!”
Yes. Si Puti at si Baekho ay iisa.
Nandito ako ngayon sa kotse nya.
Pwinersa nya akong sumakay ditto sa kotse nya dahil may pupuntahan daw kaming mahalaga. Limang oras na kaming bumabyahe.
“Hindi nila kasalanan ally, Maniwala ka.”
“Maniwala?! Are you stupid? *huk* Masakit baekho. Masakit na nalaman mong namatay ang kapatid mo ng wala man lang akong nagawa. Baekho, bakit? Bakit ka pumayag na maging myembro ng gang na yun? Ng Midnight gang? Ng gang ni JR? Bestfriend kita Baekho! Ako dapat ang kinampihan mo!!! Alam mo kung ano yung mas masakit? Na alam mo na nga na sila ang nagpakidnapped at nagpapatay sa kapatid ko pero sumama ka pa din sa kanila *huk*”
Binagalan nya ang pagpapaandar sa kotse nya.
“You don’t know everything ally. Trust Me, wala silang kasalanan.” Matigas nyang sabi. “Nandito na tayo..”
Itinigil nya ang sasakyan.
Nandito kami sa isang probinsya dito sa Bulacan.
Napatingin ako sa paligid.
“Where are we?!” tanong ko.
“pssshh. Wag kang maingay.”
Nagtago kami sa isang puno.
“tumingin ka doon.”
Itinuro ni baekho ang isang matandang babae.
“Carlo anak bumaba ka na dyan sa puno. Okay na ang manggang ito. Ako’y paparoon na sa palengke upang itinda ito. Mag-iingat ka sa pagbaba.”-sabi nung matanda.
Lumapit ako kay Baekho.
“Anong meron dyan?”-bulong ko sa kanya.
“Makinig ka na lang at tignan sila.”
Sinunod ko naman ang sinabi nya.
Umalis na yung matandang babae dala ang dalawang naglalakihang plastic na puno ng hinog na manga.
Napatingin ako sa puno. Mayroong isang lalaki doon na sa palagay ko ay nasa 13 o 14 years old ang taon.
“KUYA!!! Batet di mo to tinuhan ng manda?” sabi nung batang lumabas sa isang kubo malapit sa puno ng manga.
“haha ikaw naman amy, syempre kinuhaan ka ni kuya! Ikaw pa ba naman kakalimutan ko? Hindi syempre oh ito o tatlo yan ha.”
Nagulat ako sa boses nung lalaki.
That VOICE.. that familiar voice.
Humarap sa punong pinagtataguan namin yung lalaki.
O__________O
It’s Him.
Sya nga..
Ang ..
Kapatid ko.
“Halika na sa loob amy. Manuod nalang tayo ng T.V.”
Hinila nya yung maliit na bata at pumasok sa kubo.
Lalapit na sana ako sa kanila ng biglang hilain ni Baekho ang kamay ko.
“B-buhay si Alex.. Baekho.. b-buhay ang kapatid ko?!” tumulo ang luha ko. “Baekho bitawan mo ko.. pupuntahan ko sya.”