Chapter 2. I Hate My Seatmate.

25 3 0
                                    

Author's Note: Pasensya na kung ngayon lang naka-update, busy mode po kasi ako. Anyways, enjoy reading!!



Miyuki's POV

Pinagsisihan ko ang ginawa ko. Bakit ba kasi ako tumayo? Ayan tuloy lahat sila nakatingin sa akin. Ito kasing lalaki na nasa harapan na to ang may kasalanan, siya yung lalaking bumangga sa akin na hindi man lang ako tinulungan at hindi humingi ng sorry. At dahil sa kanya late ako... ay muntikan lang palang malate kasi nauna pa rin ako kay ma'am.


"Yes? Do I know you?" tanong sa akin nitong lalaking nasa harapan na mukhang masungit.


"Aahh...ahmm...i-ikaw, ikaw ang bago naming classmate na artista di ba?  Hehehe." sabay upo. Ano ba yan nakakahiya. Lupa bumuka ka lamunin mo ako.


"I'm Keith James Alcantara your new classmate." pagpapakilala niya sabay tanggal ng shades niya. Akala mo naman nasa commercial shoot siya.


"Oh my! Natutunaw ako sa tingin niya." kinikilig na sabi ng classmate kong babae sa likod.


"E di wag mong tingnan para di ka matunaw." gusto ko sanang sabihin sa classmate ko kaso wag na lang baka mapahiya na naman ako, tama na ang isa.


"That's all Mr. Alcantara?"


"Yes Ma'am, no need to elaborate. Kilala na rin naman ako ng karamihan."


"Tsk. Ako di kita kilala." bulong ko sa sarili ko..


"Oo nga pala, before I forgot class I have an announcement." sabi ni ma'am sa amin.


Ano kaya yun? bakit parang bigla akong kinabahan.


"Ano po ang announcement niyo ma'am?" tanong ng isa kong classmate.


"Magbabago tayo ng seating arrangement."


Sus seating arrangement lang pala eh.... Hala!  Seating arrangement?? Ibig sabihin di ko na makakatabi si bestfriend. Wala na akong mapagkokopyahan..ay este makakachikahan.


Lumingon ako kay Purple.


"Bestfriend, mamimiss kita. Hay! wala na akong kadaldalan." sabi ko sa kanya with matching paawa at iyak effect pa.


"Yuki nasa iisang classroom lang tayo. Magkikita pa rin tayo no."


"Sabi ko nga." si bestfriend naman panira ng moment di na lang nakisakay, paiyak na ako eh konting push na lang.


Syempre di lang naman ako ang may ayaw sa bagong seating arrangement na yan, pati rin ang iba kong classmate pero ang iba gusto na maiba naman ang makatabi nila.


"Yes! Sa wakas mapapalitan na ang katabi ko!"


Ms.Kulit Meets Mr.Sungit (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon