Chapter 1. The New Student

50 5 5
                                    

Miyuki's POV


"MIYUKI GISING NA!."


"Ha? May sunog! Saan? Saan? Sunog! "


*Toink* "Aray ko po ma ang sakit po."


"Eh baliw ka ba? Anong sunog pinagsasabi mo dyan, walang sunog ginigising lang kita."


Akala ko naman may sunog na. Si mama kasi wagas kung makasigaw tapos binatukan pa ako paano na lang ang mga endangered brain cells ko.


"Bumangon ka na diyan may pasok ka pa."


"Ma extend ng 5 minutes, inaantok pa ako."


"Anong extend ng 5 minutes ka diyan, ano to computer shop lang?"


"Wow ma alam mo ang computer shop?"


"Syempre, di naman ako taong bundok... wait nga lang kung saan saan napupunta ang usapan natin. Babangon ka ba diyan o hindi?" pananakot sa akin ni mama.


"Opo babangon na po."


Inaantok pa ako eh. Ang kulit naman ni mama pero mas makulit ako!

Hehehe


Kaya ayun bumangon na ako kahit labag sa kalooban ko.


Inayos ko na ang higaan ko at ginawa ko na ang iba ko pang ginagawa pag umaga.

Pagkababa ko ready na ang breakfast.


"Wow ang sarap naman!"


"Uubusan ka na sana namin ate, ang tagal mo kasi." sabi ng bunso namin na si Macki.


"Ang hard niyo naman sa akin."


Umupo na ako at nag-umpisa ng kumain.


Habang kumakain ako, napapansin ko naman itong katabi ko na parang ewan na naiihi."


"Hoy Misaki ano bang nangyayari sa 'yo? Naiihi ka ba?"


"Ate naman hindi ako naiihi, kinikilig ako okay."


"Bakit ka naman kinikilig?"


"Eh kasi ate may magazine kasi siya ngayon ng kanyang crush. Mas gwapo pa kaya ako sa crush ni ate Misaki, di ba ate Miyuki?"


"Oo naman, agree ako sa sinabi mo."


"Ate di mo pa nga siya nakikita, baka pag nakita mo to ngumanga ka sa kagwapuhan niya."


"Sino ba yan ha?"


"Si Keith James Alcantara, ang ultimate crush ng bayan."

Ms.Kulit Meets Mr.Sungit (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon