Naiinis ako.Naiinis ako.
Naiinis ako!
Yo! Ako nga pala si Ericka.
This is just a normal story... mmmmh... nothing's special actually.
Pero naiinis ako!
Napaka ayaw ko pag may nanliligaw saking lalaki.
So what kung NBSB?!
So what kung college student nako?!
So what kung 18 nako?!
Ayoko'ng pumatol ng kahit na sino dahil lang sa mga rason na yan.
At isa pa, diba dapat ligawan mo ang isang tao dahil may gusto ka sa kanya? Dahil gusto mo yung personality nya, kahit gano pa sya kabaliw?
Well, sad. Kasi alam ko, yung mga nanliligaw sakin hindi naman talaga ako gusto.
Iwan ko sa ibang tao, pero ayaw ko ng lalaking gusto lang ako dahil sa grades ko.
Yes. I'm not stupid. Alam kong hindi ako maganda, hindi din ako nagpapakita ng too much skin, at hindi ako pumupunta ng parlor para lang magpaganda. Which is ang ideal girl ng mga lalaki.
Basically, hindi ako maganda.
Pero may mga epal talagang lalaki na gusto lang ipasikat sa ibang tao na matalino yung girlfriend nila.
Yup. Yan lang yung nakikita kong dahilan kung bakit hindi nauubos yung mga lalaking nanliligaw sakin.
Hindi din naman ako matalino, mamatay-matay pa nga ako sa kaka-aral tuwing finals para lang makasali sa top 10.
Nagsimula kasi ang lahat nung high school, nung naging vice president ako ng student council namin. Tangne, lahat yung mga lalaking hindi ako kinakausap noon, biglang nag confess!
Pero alam kong gusto lang nila magpasikat kapag naging girlfriend nila ang vice president.
Nakakainis!!!
At dahil din sa walang sawang pagbabantay ng mga haters sakin, amputek, kailangan kong mag act na modest at mahinhin.
Hindi naman talaga ako takot, nakakapagod lang magpasikat. Kaya naman pinili ko nalang na wag nang mag effort para mapansin.
Kaya yun, akala nila ni hindi ako marunong magsabi ng mga di kaaya-ayang mga salita. Katulad ng...
Puta!
Tangina!
Baliw!
Tanga!
Bitch bitch bitch bitch bitch!!!!
In fact, ni hindi pa lumalabas sa bibig ko ang mga curse na yan, pero pag nagagalit ako, walang ibang laman ang utak ko kundi ang mga salitang yan.
Never pa din ako nakapag-salita ng masama sa kahit na kanino. Never pa akong nakasigaw dahil sa galit ko.
Ewan. Magaling lang siguro akong magtago ng galit.
Para sa mata ng ibang studyante, palagi lang akong relax.
Totoo din naman, pero meron talagang minsan na gustong gusto ko nang sumabog.
Katulad nalang ng may nag public courting sakin na senior. Si...
.
.
.
Amputa, di ko alam pangalan nya.
Basta ayaw na ayaw kong nagbibigay ng too much attention sa public.
Kaya yun, busted.
Alam ko din naman na hindi nya talaga ako gusto.
If I know, self satisfaction nya lang yun na kahit at least sa pag graduate nya, may girlfriend na sya.
Sa totoo lang, nakakapagod na pag sinasabihan ako na dapat na daw akong mag ka boyfriend ng mga kaibigan ko.
Palibhasa may kani-kanilang mga kasintahan na ang tatlo. Si Sarrah, Hillary at Grace.
Wala akong pake. Pero nakakaputa na paminsan-minsan.
At higit sa lahat ng rason kung bakit ayoko'ng pumatol sa mga epal na pasikat na mga lalaking yun, may matagal na akong hinihintay na tao.
Nasa America sya nung huli kong balita 6 years ago.
Oo. Maypagka childish akong tao dahil napaka-tagal kong maka move on for just a childish crush.
Pero...
Hindi lang sya simpleng crush.
We were engaged.
Yup.
We were.
Kasi ngayun, di na ako sure kung engaged parin kami.
At heto, si Ms Fairytale-believer na naniniwala parin na kahit papano, kahit napaka kunting chansa lang, ay babalik sya dito.
His mom and my mother were super best friends since their high school.
Kaya naman nung nalaman ng mama ko na lalaki ang pinag bubuntis ni tita, agad ginusto ni mama na magka-anak ng babae. Para balang araw ipapakasal nila ng best friend nya ang mga anak nila.
Playful adults... tsh.
Ginawa nya lahat ng advice ng doctor para maging babae lang ang panganay nilang anak, bale ako.
Ng pagka anak ni tita, pinangalanan nya ang baby ng Ericko.
At nasa womb palang ako, pinangalanan na akong Ericka.
So basically, ginawa lang ako dahil kay Ericko.
Since bata pako, naka save na sa utak ko na balang araw ikakasal ako kay Ericko, at ganun din sa kanya.
Ang perfect na sana...
Pero nagkasakit si tita, at pumanaw.
The engagement wasn't still cancelled because of that.
Wala pang isang taon nang nawala si tita, lumipat ng US sina uncle at Ericko.
The following year naman pagkatapos nilang umalis, naghiwalay sina mama at papa.
Umalis din si mama, at lumipat sa London.
Oh ano???
Eto si Ericka, naiwan sa Pinas.
Dahil sa pag-alis ni mama na syang nagplano ng engagement with tita, at dahil wala na din kaming komunikasyon ni Ericko, wala nang kasiguraduhan yung engagement.
Tapos ito ako, amputa... gustong makita si Ericko.
AAAAAAAAAAAAAHHH!!!
Nakakainis!
BINABASA MO ANG
ErickaXEricko
Teen FictionEricka Monreal--- a girl who really believes she only has an average looks and doesn't deserve to be courted by many guys. She's very diligent and very committed to her studies, and she doesn't like the fact that some guys only want her because of h...