Ang Aswang

6.1K 30 9
                                    

Ang Aswang sa Cavite 

**************************

Hating gabi na noong buwan ng oktubre at pauwi na si Michael sa Ternate Cavite, ngayon lamang ulit sya makakapunta dito dahil sa pagkamatay ng Lolo Berto nya. Ang unang dalaw nya rito ay noon pang batang paslit at wala pang muwang sa mundong ginagalawan nya at sa kasamaang palad ay hindi na naulit pa dahil ang mga magulang nya ay lumipat na ng tirahan.

2:37a.m. Ang oras noong tahakin nya ang madilim at tila walang taong kalsada. Mabagal lamang ang pag mamaneho nya sapagkat bukod sa pagod ay malabo narin ang mata nya kapag gabi. Maayos naman ang lahat hanggang sa may nakita syang tumpok ng tao at mangilan-ilang pulis.

May naaksidente sa kalsada? Nakainom? Isa sa mga katangian ni Michael ay ang labis nyang kagustuhang masagot ang mga nasa isip na dahil dito'y di napigilan ni Michael ang maki-halubilo sa mga tao, kaya't ipinarada muna nya ang sasakyan sa tabing kalsada para dumeretso sa tipon ng mga usisero.

"Dugo?!..." Nasabi nya sa sarili, dahil pagkababa nya ng sasakyan ay ito agad ang tumambad sa pang-amoy nya.

Unti-unti siyang lumapit sa pulo ng tao habang palakas ng palakas ang sang-sang ng amoy malansang dugo.

"Boss, ano nangyari dyan?" Tanong ni Michael sa mamang nakauniporme ng tanod.

"Naaswang yaan, gumagala kasi ng nakainom.." Sabay iling ng matandang rumoronda.

"Hindi kase yaan taga-rine eh, hindi muna nagpa alpas ng gabi.. Asawang yan" sabi ng tanod

Hindi nakuntento si Michael sa sagot ng tanod na tila sigurado sa mga sinasabi nya, lumapit naman sya sa binatliyong pulis na tila gulat at di makapaniwala sa nakikita, at bago pa sya makapagtanong ay hindi nya namalayan na abot tanaw na nya ang mga bangkay ng biktima.

Nabigla si Michael sa nasulyapan ng mga mata nya, na tila nakakandado ng tingin sa mga nakahandusay na katawan. Dalawang lalaki mga nasa edad 20 pataas, ang isa ay nakalugmok sa tabi ng motor na sinasakyan nila, tila napunit ang kanang binti at kamay na nagpatuloy hangang siko, habang ang isang kasama ng naaksidente ay tila naka-sampay sa bakod ng isang luma't abandonadong bahay. Hindi na nakita ni Michael ang sitwasyon ng lalaking naka-sabit ngunit sigurado na wala nang buhay dahil sa malaking biyak sa tagiliran na parang nilagari. Kilabot at pandidiri ang nararamdaman ni Michael dahil ngayon lamang sya nakakita ng ganitong kalalang aksidente sa tala ng pagiging motorista nya.

"S-sir, naniniwala ho ba kayo sa sinasabi ng mga tao dito?" Biglang nag-salita ang binatilyong pulis habang nakapukon parin ang mga mata sa biktima.

"Ho?--" nabigla si Michael, at bago pa man makapagsalita muli ay naudlot sa isa pang pulis ang dumating at base sa pananamit ay bisor ng binatilyong naka poloshirt na light-blue.

"Brod! Ayusin mo nalang yung mga tao at parating na ang ambulansya ikaw na ang umasikaso para matutunan mo na... O lakad na" sinabi ng medyo matabang pulis na mukhang matagal na sa larangang iyon.

"Tinambangan yan sir, mga kilalang pusher yan dito, eh nakasagupa siguro yung mga adik dito, sa kasalukuyan sir pinag-hahanap na namin ngayon." Tono ng boses na parang nangungumbinsi. 

"Sainyo po ba yung kotse?" Pulis 

"O-oho, tao ba talaga may gaw--" naudlot si Michael

"Wag kayong mag-alala sir, ginagawa na po namin ang lahat... Sa ngayon po siguro ay mabutihin nyo na pong umuwi, hindi ho kayo taga rito sir ano ho? Kaya dapat ay dumiretso na ho kayo nakita nyo naman na delikado rito pag gabi." Nagpapa-alaalang bangit ng beteranong alagad ng batas.

"Sige, boss, salamat" malumanay na pasubaling binanggit ni Michael at naglakad sa nakaparadang sasakyan.

"Sige sir, mag-ingat ho kayo..." Sabay saludo kay Michael.

Alulong (Mga Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon