Demonyo

1.4K 8 2
                                    

Multo?

Aswang?

Kulam?

Mga masasamang elemento?

Lahat ng ito nakakatakot, lahat sila ay may kakaibang misteryo na bumabalot. Pero ang mga nabanggit ko ay magmumukhang mabait sa susunod kong ipapamahagi sainyo.

Ito ang ang istorya ng isang buong campus na sa isang araw ay nahimlay sa PILING NG DEMONYO.

....ito ang istorya nila

Isang malamig na umaga ang bumalot sa St. Michael's Institute habang unti-unting dumadagsa ang mga estudyante ng naturang iskuwelahan.

Mayaman ang school na ito sa mga kababalaghan:

mga madre na nagmumulto,

mga pari na pugot ang ulo

ngunit mas nakakagimbal ang sinapit ng ilang estudyante ng second year highschool, dahil noong umaga na iyon nagsimula ang mga nakakakilabot na pangyayari:

6:42 a.m.

"Ano ba yan?! Ang gulo-gulo naman ng classroom natin. Hindi ba naglinis dito si kuya?" sabi ni Patricia na nauna sa mga kaklase nya.

"Pssst!"

"Psssst!"

Lumingon si Patricia para makita ang sumusutsot sa kanya, dahil medyo madilim pa ang umagang iyon ay hindi nya maaninag ang madidilim na kanto ng classroom o kung sino ang pilit na sumisitsit at kumukuha ng atensyon nya.

"Pssst!"

"Psssst!"

Makalipas ang 20 menutos.

Nag-datingan narin sa wakas ang iba pa nyang kaklase, at nagulat sila sa kondisyon ng classroom nila.

"Huy? Huy?! Pat ok ka lang ba?" Pagtatanong ni Sarah sa kaklase nyang si Patricia na nadatnang nakupo at nakayuko sa desk.

Tahimik na inangat ni Patricia ang ulo nya at, dahan-dahan na inayos ang pag-kakaupo nito sa silya ng walang imik, bagay na kinagulat ni Sarah.

Habang ang buong klase ay nag-ayos ng upuan nila, dumating na ang homeroom teacher at advisor na si Ms. Lopez.

"Okay class, goodmorning!"

"Goodmorning Ms. Lopez" sabay sabay na tumayo at binigkas ng mga estudyante. Matapos ay sabay sabay rin umupo.

"Okay class, attendance muna at pgkatapos mag-checheck na tayo ng assignme--"

"Aaaahhh!!"

Makapanindig balahibong tili ng isang estudyante sa dulo ng classroom

Nagulat ang buong klase kasama na ang guro nila sa sigaw ng dalagita na may pilit tinuturo sa labas ng bintana nila....

"Joana?! Diyos ko, ano ba nangyayari sayo?" Tanong ni Ms. Lopez

"Ma'am meron po sa.... Labas...." Sagot ni Joana na naka-upo sa likuran habang tinatakpan nya ang mga mata at pinipigilan ang pag-iyak.

"Aaaaaahhhh!!" Isa uling tili na umalingawngaw na ngayon nama'y nangagaling sa unahan ng klase.

"Kathlyn! Ano ba'ng nangyayari sainyo--" natatakot na pag-tatanong ni Ms. Lopez

Tumayo si Ms. Lopez at lumapit kay Kathlyn na anak ng kapwa nya guro, pinilit itong patahanin at tanungin kung ano ang nangyayari.

Bago pa man makarating si Ms. Lopez kay Kathlyn ay parang bulkan na sumabog ang sumunod na eksena sa klase nyang iyon.

"Ma'am!!! Si Patricia po!!" Tarantang nagsalita si Sarah.

Nagtayuan at nagkumpulan sa isang tabi ang mga takot na estudyante, habang ang katawan ng isang dalagita'y tila kinukuryente sa sobrang panginginig

"Aaah!"

"Ma'am sinasapian si Patricia!!"

"Tara na! Tara na!"

"Ma'am!!"

Halos hindi na maipinta ang mukha ni Ms. Lopez sa kaguluhang unti-unting lumalamon sa dating tahimik na umaga.

"Dennis! Hawakan mo sa kaliwang kamay si Patricia! Ferdie tawagin mo muna si Ms. Blanco" wika ni Ms. Lopez na unti-unting lumalapit kay Patricia na naglulupasay sa sahig.

"Dyos ko! Ano na ba ang nagyayari dito?!" Naitanong nalamang sa sarili ng takot at nalilitong guro.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman sya mismo ang makakasagot sa mga katanungan nya noong biglang magpakita sa kanya ang hinihinalang demonyo.

Pssssst....!!

Psssssssssstt!

Psssssst...!

Lumingon ka, tinatawag ka nila...

Psssssst....

Alulong (Mga Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon